VIDEO: BAKIT GANUN? Mga Pating, Sharks sa Cebu, ang lapit na sa baybayin.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Mga pating na nakikita malapit sa baybayin ng Cebu, ‘wag gambalain: BFAR

February 25, 2020

Cebu, Philippines – Umapela ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Miyerkoles, Pebrero 26 sa publiko lalo na sa mga turista Southern Cebu na huwag gambalain ang mga nakikitang pating malapit sa baybayin.

Ginawa ng BFAR ang babala matapos na magtrending ang video na kinunan ng isang netizen na si Kier Belleza nitong Martes, kung saan makikita ang ilang juvenile blacktip sharks na lumalangoy sa mababaw na bahagi ng baybayin ng  Barangay Pasil sa Santander, Cebu.

“Let us not disturb them or harass them,” ani Cebu Provincial Fisheries Officer Edgar Delfin.

Ipinaliwanag ni Delfin na normal sa mga ganitong specie na lumitaw sa mga buwan ng Pebrero, Marso, at Abril dahil ito ang kanilang “spawning season.”

Parte ng marine sanctuary ang katubigan sa Pasil habang protektadong seascape rin naman ang Tañon Strait kung saan kadalasang nakikita ang mga blacktip shark.

Maari umanong naghahanap ng makakain ang mga pating kung kaya’t namataan sila sa ganung kababaw na katubigan.

Iginiit naman ni Delfin sa publiko na iwasan ang paglangoy sa mga marine sanctuary. 

— Remate News Team

SOURCE/S
Mga pating na nakikita malapit sa baybayin ng Cebu, ‘wag gambalain: BFAR