SASAMPALIN NIYA? “Sabi ng mama niya, ‘Traydor kayo!’ Sigaw-sigaw… Ang lakas…” — Counselor ni Sarah at Matteo


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened

February 26, 2020

Nabahiran ng iyakan, sigawan, at tila nagkaroon pa ng pisikalan sa ginanap na private reception pagkatapos ng secret wedding nina Sarah Geronimo, 31, at Matteo Guidicelli, 29.

Kaugnay pa rin ito ng pag-eeskandalo diumano ng ina ni Sarah na si Divine Geronimo, o mas kilala sa showbiz circles bilang Mommy Divine.

Kumpirmadong naidaos ang intimate Christian wedding ceremony nina Sarah at Matteo.

Ginanap ito sa Victory Church sa Fort Bonifacio, Taguig City, pasado alas-sais ng gabi ng February 20, 2020.

Si Senior Pastor Paolo Punzalan ang nagkasal sa couple.

Ang reception ay ginanap naman sa VIP room ng isang restaurant sa isang high-end hotel sa Taguig City.

Halos patapos na ang pribadong pagtitipon ng newlyweds at kanilang piling wedding guests nang dumating si Mommy Divine, na hindi alam na ikinasal na ang anak kay Matteo.

Sa puntong ito nagkagulo.

Ito ay ayon sa saksi na kinilalang si Letty Fuentes, kaibigan at longtime counselor ng bagong kasal na sina Sarah at Matteo.

Eksklusibong nakapanayam si Fuentes ng entertainment reporter na si MJ Felipe para sa TV Patrol, ang primetime newscast ng ABS-CBN.

Kuwento ni Fuentes, nagsisigaw si Mommy Divine nang malamang kasal na sina Sarah at Matteo.

“Sabi ng mama niya, ‘Traydor kayo!’ Sigaw-sigaw… Ang lakas. Parang nagmura or something. Kasi magulat ka.”

Lumalabas na galit si Mommy Divine at nais umano nitong sampalin si Matteo.

“Kasi, I know, gusto niyang sampalin si Matteo, e. She was ready for a fight,” ani Fuentes.

Umabot daw sa puntong pati si Sarah ay naitulak at natumba habang pinipigilan si Mommy Divine.

Nadamay pa umano si Fuentes sa pagtumba ni Sarah dahil hawak-hawak niya ang dalaga.

Tukoy ni Fuentes kay Sarah, “Kasi she was pushed. Kasi inaano niya yung mommy niya, e… Naghahabulan.

“I was holding on [to] her. Pag-push sa kanya, ang layo. Gulong… Natumba siya.”

Natigalgal daw nang husto si Sarah sa nangyayaring gulo.

“For a while, matagal siyang medyo ano, kasi nanginginig,” dagdag ni Fuentes.

Mariin namang pinabulaanan ni Fuentes ang alegasyong sinuntok ni Matteo ang bodyguard ni Sarah.

“Hindi. Walang brawling dun. Walang baril. May nabasa pa akong baril.”

Sa bersiyon ng kuwento ng bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara, sinuntok umano siya ni Matteo sa leeg nang magpang-abot sila sa fire exit ng restaurant.

Pinasundan daw kasi ni Mommy Divine kay Tamara sina Sarah at Matteo nang maalerto ang ina ng singer-actress na umalis na sa private room ng restaurant ang newlywed couple.

Ayaw na raw ni Matteo na sumunod si Tamara kay Sarah, pero nakiusap umano ang bodyguard na kausapin muna ni Sarah ang ina nito.

MOMMY DIVINE AGAINST SARAH-MATTEO RELATIONSHIP

Bilang relationship counselor nina Sarah at Matteo, saksi raw si Fuentes sa hirap na pinagdaanan ng celebrity couple.

“Lahat ng mga events nila. Lahat ng problem nila about their love life.

“Crying with them, journeying with them, and advising them to cool off.

“Then just maintain your status.”

Sa loob ng higit anim na taong magkasintahan sina Sarah at Matteo, “many, many times” daw lumapit ang mga ito kay Fuentes para humingi ng payo.

Malaking balakid daw talaga sa pag-iibigan ng dalawa si Mommy Divine.

“Matteo really had a hard time.

“Sarah is always confused.

“She loves him so much, but she’s bombarded by, you know… ‘Ayaw talagang tanggapin,’ she said that to me.

“Sabi ko, ‘Just go on. Wala naman kayong ginagawang masama.'”

FOILED WEDDING PLANS

Ang totoo ay matagal na raw gustong magpakasal nina Sarah at Matteo.

Pero palagi raw hindi natutuloy ang mga plano dahil sa tutol ang mga magulang ng Popstar Royalty.

Hindi naman binanggit ni Fuentes bakit sa tagal nang magkasintahan ng dalawa ay hindi pa rin tanggap ang relasyon ng mga ito.

“Plans for so many years… For so many years, they wanted…

“But then, hindi nga pupuwede kasi talagang hindi tatanggapin.”

Lumalabas na tila naging sanhi pa ito ng kamuntikang hiwalayan ng dalawa.

“Matteo really pursue. They will cut off, they will be back again.

“But they’re both in tears most of the time.”

Sinubukan pa raw ni Fuentes na kausapin si Mommy Divine, pero ito na raw mismo ang nagsabing tutol ito sa anumang pagpapakasal nina Sarah at Matteo.

“I did many times. ‘What will you do if the two pursue?’

“Basta raw di niya tatanggapin.”

Ang nais daw ng ina ni Sarah ay maghiwalay ang anak at si Matteo.

“She [Mommy Divine] was trying to sway me, to advise her [Sarah] to stay off of him.

“I cannot do that. I will only say things, and the decision will always be from them.”

THE SECRET WEDDING

Hanggang sa natuloy nga ang lihim na pag-iisang-dibdib nina Sarah at Matteo.

Gayong ang ugong ng usap-usapan sa showbiz circles ay sa Marso pa ang inaabangang church wedding ng dalawa.

Maging si Fuentes ay nagulat din nang malaman niyang matutuloy na ang inaasam ng couple noong February 20.

“Akala ko, magse-session kami saka dinner.

“Even the family of Matteo, one day before lang. All of us,” saad ng relationship counselor tungkol sa pag-iimbita nina Sarah at Matteo.

Hindi raw napigilan ni Fuentes ang maging emosyunal, lalo pa’t alam niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa.

Una raw niyang nakita sa Victory Church si Sarah na bihis na bihis para sa okasyon.

“Naiyak ako talaga nung nagpakasal na sila. Because that’s the completion.

“If it was not God’s plan and will, hindi matutuloy yun.

“So, you know, all these things, I was telling her, ‘Forget it. Forgive your mom. This is just a revelation. In time, you just pray more. Many people are praying for you.'”

Sa huli, inilarawan ni Fuentes kung gaano kasaya sina Sarah at Matteo na sa wakas ay masisimulan na nila ang bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.

“Happy. Parang nakawala,” tukoy ni Fuentes sa mood ni Sarah noong araw ng kasal nito.

“I’ve never seen her so confident that day.

“Talagang yun lang finale ang masakit. Nagbibiruan nga sila sa rites.”

Emosyonal naman daw ang groom na si Matteo.

“Si Matteo naman naiyak, ‘Finally, she’s mine.’

“Matteo really loves her so much.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

SOURCE/S
Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened