IPASA o IBASURA? Senator Bong Go, may mensahe sa Kongreso.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Bong Go hinimok ang Kongreso na magdesisyon na sa ABS-CBN franchise: Ipasa o ibasura?

February 25, 2020

Manila, Philippines – Hinimok ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang mga kapwa mambabatas na magdesisyon na kung ire-renew o ibabasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Ginawa ni Sen. Go ang pahayag kasabay ng pagdududa sa motibo ng ilang kasama sa inihaing joint resolution na humihiling na palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang katapusan ng 2022.

Ang joint resolution No.11 ay may layong pahabain pa ang prangkisa ng giant network hanggang December 31, 2022 sa gitna ng hindi pa tiyak na kapalaran ng ABS-CBN.

Sa ambush interview matapos ang Senate public hearing sa franchise renewal ng kompanya, pinuna ni Go ang motibo ng Senate minority leader sa inihain nitong joint resolution.

“Dalawang tanong lang. Bakit i-extend? Why December 2022? It has something to do with politics again,” ani Go na nagsabing magtatapos sa nasabing taon ang termino ni Pangulong Duterte.

Sa halip na palawigin ang prangkisa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng joint resolution, sinabi ni Go na dapat nang magbotohan ang mababang kapulungan ng Kongreso kung aaprubahan o ibabasura ang ang nakabimbing panukala sa prangkisa ng giant network.

“By that time, tapos na ang termino ni Pangulo. Parang sinasabi n’yo na ayaw n’ya aprubahan kaya i-extend na lang. Pag-usapan na natin ngayon, ngayon na,” ani Go.

“‘Di pa maipasa, napapaso na nga kaya sabi ko kung nagawa ng Senado mapag-usapan, bakit ‘di n’yo magawa sa Kongreso. Hintayin pa ba natin na mapaso? Sabi ko ‘di na nga sana kailangan ng joint reso extending up to 2022. Either ipasa natin or hindi,” aniya pa.

Ukol naman sa provisional authority na isinusulong upang pahintulutan ang ABS-CBN na makapag-operate kapag nag-expire na ang prangkisa nito, sinabi ng senador na: “D’yan tayo pupunta. Ayoko nga may mawalan ng trabaho. Ayokong maputol ‘yun dahil sa kakulangan ng panahon. Kawawa ang mga trabahante.”

Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon ng Pangulo sa nakaraang Senate hearing, sinabi ni Go na hindi pa niya ito masagot. “I can’t answer that, only the President, kung sakaling maghilom ang sugat.”

“Hindi naman po namin masyadong pinag-uusapan pero ngayon napaintindi ko sa mga Pilipino kung ano ang nararamdaman, ano ang sakit, ngayon alam na ng mga Pilipino ang isa sa mga dahilan, ‘yung sugat na iniwan,” anang mambabatas.

Ani Go, natuklasan sa Senate at naging malinaw na may mga taong kumilos para dungisan si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng black propaganda ads noong 2016.

“Remember, in an election campaign, especially in a presidential campaign, there is no tomorrow. Every second matters. Isa lang ang mananalo kaya malaking bagay ang makapag-ere ng mga ads. Napaka-unfair naman kung inere yung sa kalaban mo, alam naman nating black propaganda, inuna pa iyon. Kaysa iere sa iyo wala, na bayad naman na,” ani Go sa pagdinig.

Sa isyu kung tinanggap ng Pangulo ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN, sinabi ni Go na: “Hopefully, tanggapin n’ya ang sorry. May puso naman ang mahal na Pangulo kaya naman siya minamahal ng taumbayan.” 

— RNT

SOURCE/S
Bong Go hinimok ang Kongreso na magdesisyon na sa ABS-CBN franchise: Ipasa o ibasura?