HALA KA! Unti-unti nang nakukumbinsi si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa?


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Bato sa prangkisa ng ABS-CBN: “I’m one step closer to supporting the renewal”

February 24, 2020

Manila, Philippines – Unti-unti nang nakukumbinsi si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ng na walang paglabag na ginagawa ang ABS-CBN Corporation sa probisyon ng prangkisa nito kaya “isang hakbang na lamang,” ay susuportahan na nya ang kompanya.

Sa kanyang pahayag sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public services sa pamumuno ni Senador Grace Poe, sinabi ni Dela Rosa na nadinig nya mismo sa mga ahensiya ng pamahalaan na walang paglabag na ginagawa ang network.

“Sabi ng NTC (National Telecommunications Commission)  at saka sabi ng DOJ (Department of Justice) na wala kayong vinaolate,  e napakagandang pakinggan pag ganun,”  ayon kay Dela Rosa.

“So I’m one step closer to supporting the renewal of your franchise with that answer,”  dagdag niya..

Nilinaw naman ni Dela Rosa na wala siyang hinanakit sa ABS-CBN, at katunayan nagpapasalamat siya sa network sa pagtulong sa maraming mamamatyan na nabibiyayaan ngn kanilang public services programs.

“Pero ang akin lang, ayaw ko na maraming nagsasabi na  porke malakas, powerful kayo winawalanghiya na lang nyo ang gobyerno…”

“So sinasabi ninyo na wala kayong vionaliate, salamat. Maraming  salamat. Wala po akong personal sa inyo. Baka sabihin nyo porke galit si Presidente sa inyo galit na rin ako. Sinasabi ko lang sa inyo gawin natin ang tama,”  ayon sa mambabatas.

Aniya, kailangan maging fair ang pagtingin sa lahat partikular ang mga isyung bumabalot sa prangkisa dahil tungkulin ng Senado na himayin ito.

“Kelangang fair tayo sa lahat. Pero kung sabihin mo may bias ako ngayon, hindi ako plastic na magsabi sa inyo na wala akong bias. Ako ay totoong tao, sabi ko may bias ako towards my President,” aniya.

Naunang, pinatotohanan naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission (SEC), na walang nilabag na batas ang ABS-CBN at regular na nagbabayad ng buwis kada taon.

Sinabi ng kinatawan ng SEC at BIR na tinutupad ng kompanya ang regulasyon taliwas sa alegasyon ng ilang sector na ibinato sa network.

“They are regularly filing and paying their taxes for the past number of years,” ayon kay Simplicio Cabantac, Jr., head ng BIR Large Taxpayers Service.

Hindi sana ilalantad ng BIR ang tax payment dulot ng privacy laws, pero kamalaunan, inilantad din ito na nagsasabing nagbayad ang ABS-CBN mng P14.398 bilyon mula 2016 hanggang 2019.

“Hindi kabilang dito ang income tax na babayaran sa Abril 15,” ayon kay Cabantac.

Hindi rin kasali dito ang ibinayad ng income tax mula sa artista, empleyadyo at talents ng kompanya.

Sinabi ni Katigbak na nagbayad ang kanilang kompanya ng P8.859 bilyon sa withholding tax mula sa empleyado mula 2009 hanggang 2018.

Ayon naman kay   SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong na wala siyang nalalaman na insidenteng may paglabag ang network o may reklamo laban sa ABS-CBN sa naturang komisyon. 

— Ernie Reyes

SOURCE/S
Bato sa prangkisa ng ABS-CBN: “I’m one step closer to supporting the renewal”