MASAYA BA SI SARAH? Nanay ni Judy Ann Santos, may mensahe para kay Mommy Divine.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Mommy Carol Santos, may mensahe para kay Mommy Divine

February 23, 2020

NOEL FERRER

Sa Level Up Showbiz Saturdate sa Teleradyo Inquirer tuwing Sabado, panata naming batiin at kumustahin si Mommy Carol Santos, ina ni Judy Ann Santos, lalo na’t birthday niya sa February 25, Martes.

Nagkaroon ng misa at munting salu-salo para sa kanya sa bahay nina Ryan at Juday sa Alabang.

Ang hiling niya sa akin ay ang makapanood ng concert ni Odette Quesada, na gustung-gusto niya ang mga kanta.

Natanong ko siya tungkol sa marami pang showbiz issues, pero heto ang pinakamaganda niyang nasabi ukol sa pagpaparaya sa anak, na ikinalugod ng Popsters na guests ko rin sa aking show.

Sabi ni Mommy Carol: “At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo.

“Kasi ikaw, paalis ka na sa mundo.

“Itong mga anak mo, paumpisa pa lang, so you always wish them the best na mangyayari sa buhay nila.

“At matuwa ka na nandiyan ka pa, nakita mong masaya na ang anak mo, right?

“Dapat talaga may support ka sa anak mo.

“Kahit nga ayaw mo ang mapapangasawa ng anak mo, the mere fact na gusto ng anak mo yun, wala kang magagawa.

“Kasi, ikaw ba ang pakikisamahan ng mapapangasawa?

“Pabayaan mo ang anak mo. Sila naman ang magiging maligaya.

“At the end of the day, kung magkakagulu-gulo, anak mo ang masisisi, at hindi ikaw.”

Pagkatapos ng interview, palakpakan ang Popsters na nasa studio.

At ang nasabi lang ng mabait nilang leader na si Barrie ay” “Sana, all.”

JERRY OLEA

Nasa puso at isip ni Mommy Carol ang katuturan ng tulang On Children mula sa aklat na The Prophet (1923) ni Kahlil Gibran (1883-1931).

Bahagi ng nasabing tula na nagpapaalala sa mga magulang:

“Your children are not your children.

“They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.

“They come through you but not from you,

“And though they are with you yet they belong not to you.

“You may give them your love but not your thoughts,

“For they have their own thoughts.

“You may house their bodies but not their souls,

“For their souls dwell in the house of tomorrow, which you cannot visit, not even in your dreams.

“You may strive to be like them, but seek not to make them like you.

“For life goes not backward nor tarries with yesterday…”

GORGY RULA

Marami na ang nasabi. Wala pa tayong naririnig mula sa bagong kasal, maging sa mother o kahit father of the bride.

Sana, magsalita na sila para malinawan na ang lahat.

SOURCE/S
Mommy Carol Santos, may mensahe para kay Mommy Divine