HALA! “…Masyado kayong mayabang.” — Mensahe ni SPOX Salvador Panelo sa ABS-CBN.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Panelo sa ABS-CBN: “Masyado kayong mayabang”

February 24, 2020

Manila, Philippines – Tinawag na “hubris” o ubod ng yabang ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang ABS-CBN dahil sa batid ng mga ito na may atraso sila kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit wala namang ginawa.

Sa Senate hearing kanina sa Senado ay sinabi kasi ni Senator Lito Lapid  na kung hihingi ba ng patawad ang nasabing media network kay Pangulong Duterte ay tatanggapin ba ito ng Chief Executive.

“‘Iyon nga ang sinasabi ni Presidente, alam n’yo na may atraso kayo, may ginawa ba kayo? Wala. Iyon nga ang tinatawag na hubris – masyado kayong mayabang,” ani Sec. Panelo.

Kaya kung  hihingi aniya ng patawad, paumanhin ang network ay  wala aniya siyang ideya kung may itutugon ang Pangulo rito.

“Na kay Presidente iyon. Na kay Presidente iyon kasi matagal nang nangyari iyon, kumbaga, kung hindi nag-alboruto sa iyo, saka ka lang hihingi ng paumanhin. Na kay Presidente iyon, I don’t know how to respond to that. It’s a personal decision,” ayon kay Sec. Panelo.

At sa tanong kung tama ba na humingi ng paumanhin kay Pangulong Duterte si ABS-CBN President Carlo Katigbak ngayong araw ng Lunes, Pebrero 24, dahil sa hindi pag-ere ng nasa P7 milyong halaga ng political ads nito noong 2016 elections ay sinabi ni Sec. Panelo na dapat ay matagal na nila itong ginawa.

At kung maituturing ba aniyang itong ‘too late’ ay sinabi ni Sec. Panelo na “ Hindi ko alam, na kay Presidente iyon how he will respond to that.” 

— Kris Jose

SOURCE/S
Panelo sa ABS-CBN: “Masyado kayong mayabang”