BUKINGAN NA! Sen. Angara, sinopla si House Speaker Cayetano.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Cayetano, sinopla ni Angara sa pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN

February 23, 2020

Manila, Philippines -Mistulang sinopla ni Senador Sonny Angara si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagsasabing labag sa Saligang Batas ang isasagawang pagdinig ng Senate committee on public services hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na matagal nang kalakaran sa Kongreso na isinasagawa na ang pagdinig sa anumang panukala tulad ng pambansang badyet kahit hindi pa naihahain sa Mataas na Kapulungan ang General Appropriations Bill (GAB).

“There is no violation of the Constitution with regard to the hearing of the Committee on Public Services on the issues surrounding the franchise of ABS-CBN scheduled for tomorrow,” giit ni Angara.

Naunang binatikos ni Cayetano si Senador Grace Poe sa pagtatakda ng pagdinig hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN kahit hindi pa inaaprubahan ng Mababang Kapulungan. Ayon sa lider ng Mababang Kapulungan na labag ito sa Saligang Batas.

Aniya, nakatakdang sa  Section 24 ng 1987 Constitution o mas kilala bilang  “origination clause,” na lahat ng private bills tulad ng prangkisa ay dapat nagsimula sa Mababang Kapulungan.

Itinakda din sa katulad na probisyon sa Saligang Batas kabilang ang badyet, buwis o taripa o panukalang payagan ang pagtataas ng public debt at panukala may lokal na aplikasyon.

Sinabi ni Angara na matagal nang ginagawa ng Senado na dinggin kaagada ng mga panukalang ito habang naghihintay na aprubahan ito ng Mababang Kapulungan at ipadala sa Mataas na Kapulungan upang sang-ayunan.

“Matagal na ginagawa ng Senado na simulan ang pagdinig sa mga mahahalagang panukala tulad ng ating national budget bago pa man ito ipadala ng mababang kapulungan. Taon-taon natin ito ginagawa upang mapabilis ang proseso ng pag apruba, lalo na ng mga napakahalagang batas tulad ng GAA, ganun din sa mga tax bills,” aniya.

Aniya, ipinaliwanag ng Tolentino v. Sec. of Finance na nagsasabing “the origination clause in the Constitution merely requires the Senate, acting as a body, to withhold any action on a private bill still pending in the House of Representatives.”

“The hearing by the committee is only meant to facilitate the process and in the case of the franchise of ABS-CBN, to hear the issues being raised against the network so that when the time comes, we as senators would already have a better grasp of the matter. No action will be made in plenary until such time that the House of Representatives acts on the bill and sends it over to us,” giit ni Angara. 

— Ernie Reyes

SOURCE/S
Cayetano, sinopla ni Angara sa pagdinig ng prangkisa ng ABS-CBN