AYAW NIYA, WAG PILITIN! Request ni Mommy Divine, pinalagan ni Sarah.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Tangkang prenup diumano ni Mommy Divine pinalagan ni Sarah

February 22, 2020

TULAD ng kanilang engagement na naitago nila sa publiko, gusto rin sana ng mag-asawa na ngayong sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na maging tahimik lamang ang kanilang secret wedding ceremony nung gabi ng February 20, 2020 (Thursday).

Pero hindi ito nangyari dahil nalaman umano ito ng mommy ni Sarah na si Divine at sumugod ito sa venue (Shangri-La at the Fort) in Bonifacio Global City sa Taguig City kung saan ang tahimik lamang sanang kasalan ay nagkaroon ng tension.    

Kung naging maganda siguro ang pakikitungo ng mga magulang ni Sarah kay Matteo, never sigurong maglilihim ang dalawa.  Maging sa planong church wedding ay hindi umano cooperative ang mga magulang ni Sarah particularly si Mommy Divine.

Legally, mag-asawa na sina Sarah at Matteo sa kabila ng pag-ayaw ng mga magulang ni Sarah.  Ang hindi ngayon malinaw ay kung itutuloy pa ng newlywed couple ang kanilang church wedding next month.  May lumalabas na balita na gaganapin ito sa Italy.

Italian ang ama ni Matteo na si  Gianluca Guidicelli habang Filipina naman ang kanyang ina na si Glenna Fernan-Guidicelli.

Bago ang `secret wedding,’ gusto umano ng ina ni Sarah na magkaroon ng pre-nup agreement sina Sarah at Matteo bagay na pinalagan umano ng Pop Superstar.

May lumutang pang balita na gusto umano ng Mommy Divine ni Sarah na ilipat lahat sa kanila (parents) ang properties na nasa pangalan ni Sarah bago ito ikasal.  Apparently, hindi umano ito sinunod ng singer-actress.

Knowing Sarah at Matteo, hindi nila  hahayaan  na magkaroon sila ng samaan ng loob sa parents ni Sarah kaya  tiyak na gagawa rin sila ng paraan na maresolba ang problema nila ngayon.  

Sana’y maging bukas din ang ina ni Sarah na si Mommy Divine na tanggapin nang maluwag ang bagong mag-asawa at hayaan silang maging masaya at makabuo ng sariling pamilya lalupa’t malaki rin naman ang isinakripisyo ni Sarah for her family.

SOURCE/S
Tangkang prenup diumano ni Mommy Divine pinalagan ni Sarah