WAG PURO PROFIT! “…mga negosyante, maawa naman kayo sa ating mga kababayan.” — Sen. Bong Go


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Sen. Go sa mga pharmaceutical companies: “Focus on providing affordable medicines, not just gaining profit”

February 23, 2020

Manila, Philippines – Hinikayat ni Senador Bong Go ang mga pharmaceutical companies na i-balanse ang kanilang interest sa pagitan ng malaking kinikita at pagbibigay ng abot-kayang medisina sa mga filipino matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Executive Order (EO) 104 noong Pebrero 17 na naglalayong limitahan ang pagtaas ng presyo ng ilang gamot.

Ang paglagda ng Pangulo sa Executive Order 104 ay kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang layunin ng kautusan ay mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino at makabili ng gamot sa abot-kayang halaga.

Sa isang ambush interview sa naging pagbisita ni Go sa mga nasunugan nito lamang Pebrero 19, ay sinabi ni Go na ito ang tamang panahon para sa mga pharmaceutical companies na mag-alok ng abot-kayang halaga ng mga gamot lalo na sa mga mahihirap na Filipino na labis na nangangailangan nito.

“Ito ‘yung mga panahon na litung-lito sila, hindi nila alam saan sila hihingi ng tulong, nagmamakaawa. Ngayon, mayroon na kayong mga murang gamot. One hundred plus po ito, 133 po ito na mga murang gamot,” ayon kay Go.

Ang EO 104, o “Improving Access to Healthcare through the Regulation of Prices in the Retail of Drugs and Medicines,” imposes Maximum Retail Price (MRP) and Maximum Wholesale Price (MWP) on ‘select drugs and medicines totaling to 86 drug molecules or 133 drug formulas’ annexed to the order,” ayon sa ulat.

Kabilang naman sa mga gamot na sakop ng EO 104 ay ang inirereseta para sa hypertension, diabetes, cardiovascular diseases, chronic lung diseases, neonatal diseases, major cancers, chronic renal diseases, psoriasis at rheumatoid arthritis.

Ipinag-utos din ng EO sa lahat ng mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na “convene and review” ang presyo ng mga natitirang 36 drug molecules o 72 drug formulas na nauna nang ipinanukala na makasama sa listahan ng MRP at MWP.

“Karamihan po rito, ‘yung iniinom ng ating mga kababayang mahihirap talaga, ‘yung mga maintenance (medicines). Tulungan po natin ang ating mga pasyente, mga kababayan. Para sa akin, mga negosyante, maawa naman kayo sa ating mga kababayan. Tulungan n’yo naman po sila. Balansehin po natin ang lahat,” ayon kay Go.

Ang EO ay tinintahan ilang buwan na ang nakalilipas matapos na si Go, Chair of the Senate Committee on Health and Demography, ay nangako na personal na tatalakayin ito kay Pangulong Duterte.

Sa Senate session naman noong Nobyembre 5, sinabi ni Go na “ i suggest to the President the inclusion of all essential medicines in the proposed list of expanded MDRP (Maximum Drug Retail Prices) and for its immediate release to complement the Universal Health Care Law.”

Habang noong Enero 13, ay inulit naman ni Go sa radio interview ang kanyang pagsuporta sa panukalang polisiya.

“Ako naman po ay nakikiusap sa mga kompanya, balansehin po natin ‘yung profit at saka kapakanan po at interes po ng bawat Pilipino at bawat pasyente,” ani Go.

Samantala, maliban sa pagbibigay ng murang gamot ay hinikayat ni Go ang mga mahihirap at indigent patient na humingi ng tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpunta sa pinakamalapit na Malasakit Center sa kanilang lugar na aniya’y one-stop shop makaraang gawing simple ang probisyon ng government financial at medical assistances sa mga Pilipino. 

— Kris Jose

SOURCE/S
Sen. Go sa mga pharmaceutical companies: “Focus on providing affordable medicines, not just gaining profit”