BASTOS! Foreigner, nandura sa loob ng Fast Food Chain.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Chinese nat’l, timbog matapos mahuling nandura sa fast food chain

February 23, 2020

Manila, Philippines – Arestado ang isang Chinese national matapos kumalat sa social media ang video ng ginawang pagdura sa loob ng isang fast food chain sa Maynila.

Kinilala ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT) ang suspek na si Jinxiong Cai alyas Willy Choi, 35-anyos, may-asawa, negosyante, permanent resident sa bansa base sa nakuhang alien certificate  registration  card nito kung saan nanunuluyan sa 45 Flr. Rm. E, Orchard Garden, Masangkay St., Tondo, Maynila.

Matapos maiparating ang kumalat na video kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, agad nitong ipinag-utos sa SMaRT sa pamumuno ni P/Major Rosalino Ibay Jr na hanapin at arestuhin ang suspek.

Naaresto naman ito sa 9th Floor Amenities Area, Orchard Garden sa Masangkay St., Tondo Maynila alas-7:50, Sabado ng gabi.

Sa video  makikita ang suspek na nakaupo habang hinihintay ang kaniyang order sa Mc Donalds Masangkay nang sitahin ni Alejandro Natividad, 63, guwardiya ng nasabing fast food chain dahil sa pandudura sa sahig noong Sabado  ng alas-2 ng madaling araw.

Bukod dito, pinagsaitaan pa ng hindi maganda ang guwardiya at iba pang crew ng fast food.

Napag-alaman din na bago magtungo sa McDonalds ,  base sa CCTV ng  Orchard Residences  napansin din na itinulak ng suspek ang dalawang motorsiklo dahilan para bumagsak at magkaroon ng pinsala.

Mahaharap sa kasong grave scandal, unjust vexation, malicious mischief at iba pang paglabag sa ilalim ng RPC. 

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

SOURCE/S
Chinese nat’l, timbog matapos mahuling nandura sa fast food chain