KAYA PALA! Mommy Divine may request sa kasalang Matteo-Sarah.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Mommy Divine may request na pre-nup agreement sa kasalang Matteo-Sarah

February 12, 2020

Nakapahinga nga muna si Matteo Guicicelli matapos itong magkaroon ng slipped disc last Friday habang nagti-training sa kanyang mga action scenes sa sisimulan niyang pelikula, ang Penduko na pamamahalaan ni Jason Paul Laxamana under Viva Films at Epik Studios.

Bukod sa bagong pelikulang nakatakda niyang simulan, malapit na ring ikasal ni Matteo sa kanyang fiancée, ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo na mangyayari sa susunod na buwan.

Plano umano ng dalawa na sa ibang bansa magpakasal pero dahil sa novel coronavirus scare, baka magbago ang kanilang direksiyon.

Samantala, gaano kaya katotoo ang kumakalat na balita na nag-iinarte umano ang ina ni Sarah na si Mommy Divine at ayaw umano nitong makipag-cooperate sa nagku-coordinate ng kasal ng dalawa?  Nariyan pa umano ang request kay Sarah na magkaroon ng pre-nup agreement between her and Matteo bagay na pinalagan umano ng singer-actress.

Sa halip umano na maging supportive si Mommy Divine sa kasal ng anak dahil isa itong napaka-espesyal na araw para kay Sarah at sa magiging mister nitong si Matteo ay hindi umano ito nagku-cooperate.

Eversince naman ay hindi pabor si Mommy Divine sa mga nakaka-relasyon ni Sarah. Pero kung dati-rati’y sunud-sunuran lang si Sarah sa kanyang ina, hindi na ngayon dahil 31 years old na siya at kailangan na niyang mag-desisyon on her own.

Bela nagso-shooting na sa Korea

Nasa South Korea ang actress-writer at bida ng pelikulang pinipilahan ngayon sa takilya, ang On Vodka, Beers and Regrets na si Bela Padilla para sa shooting ng bago niyang movie, ang Ultimate Oppa kung saan niya leading man ang Korean actor na si Kim Gun-Woo. 

Ito’y pinamamahaan ni Jade Castro at joint venture ng Viva Films, Reality Entertainment at isang Korean film outfit.

Almost three weeks mamalagi sa South Korea si Bela.

Bago ang Ultimate Oppa ay nag-shoot din si Bela sa South Korea ng ilang scenes para sa unang tambalan nila ni Marco Gumabao, ang Spellbound na local adaptation ng Korean hit movie in 2011.

In fairness to Bela, siya ngayon ang busiest actress with five movies or even more na gagawin this year.

SOURCE/S
Mommy Divine may request na pre-nup agreement sa kasalang Matteo-Sarah