ANG TAGAL NIYO NANG NAG-AAWAY! Liberal Party, binanatan ang hiling ni Bongbong Marcos.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

LP: Hiling ni BBM na rebisahin ang mga libro, isang tangka ng historical revisionism

January 11, 2020

Manila, Philippines – Binanatan ng isang Liberal Party executive ngayong Sabado (Enero 11) ang hiling ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagrebisa sa mga nakasulat sa history books sa bansa.

Ani Erin Tañada, vice president for external affairs of the Liberal Party, na isa itong tangka sa historical revisionism.

“This is a clear move at historical revisionism and another desperate attempt by the Marcoses to erase the memory of the horrors of Martial Law and absolve the sins of their father,” ayon kay Tañada sa isang panayam.

Nitong Biyernes, Enero 10, sinabi ni Marcos na kinakailangang irebisa ang mga historical textbook dahil napatunayan sa mga sunod sunog na pagkapanalo ng Pamilya Marcos sa korte na mali umano ang ibinibintang sa kanila.

“What has been proven wrong is essentially what they continue to contend in the textbooks of our children. Essentially you are teaching the children lies,” ani Marcos.

“‘Yung kanilang sinasabi na ninakaw namin, na ginawa namin, hindi lahat totoo. Pa’no ko nasasabi ‘yun? ‘Yan ang desisyon ng korte. There was no evidence,” he said, claiming that the cases against his family dragged for years because of “propaganda.”

Noong Disymbre 2019 ay ibinasura ng Sandiganbayan ang P200-billion forfeiture case laban kay yumaong dating presidente Ferdinand Marcos at sa kanyang pamilya dahil sa kakulungan sa ebidensya.

READ: P200-B forfeiture case vs. Marcos, binasura ng Sandiganbayan

Ito na ang ikalimang beses sa limang buwan na nanalo ang pamilya Marcos sa mga ill-gotten wealth-related case na isinampa ng gobyerno laban sa kanila.

Matatandaan na 3 pang forfeiture case ang naipanalo ng mga Marcoses dahil din sa kawalan ng ebidensya kabilang dito ang P102B noong Agosto, P1-billion noong September  at P267.371M noong October 14, 2019. Isa namang kaso ang binasura ng anti-graft court, Septyembre 2019, ukol sa isinampang ill-gotten wealth case laban kay Luis Yulo na sinasabing isa sa mga Marcos’ crony.

READ: Pamilya Marcos, nakaisa ulit sa gobyerno; Ill-gotten wealth case binasura ng Sandiganbayan

READ: P102-B Marcos forfeiture case, binasura ng Sandiganbayan

“Nais ng mga Marcos na ibaon na lang sa limot ang mga pag-abusong nangyari noong panahon ng diktadurya kung saan libu-libong Pilipino ang pinatay at pinahirapan at bilyung-bilyong piso mula sa kaban ng bayan ang nakulimbat,” dagdag pa ni Tañada.

Sinabi pa niya na ang mga Marcos “cannot hide the atrocities, human rights violations, and corruption” na nangyari sa Martial Law na ipinatupad ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

—– Remate News Team

SOURCE/S
LP: Hiling ni BBM na rebisahin ang mga libro, isang tangka ng historical revisionism