ITO BA ANG LIDER NG NPA? Joma Sison, takot bumalik sa Pilipinas!

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Kapag nabigo ang peace negotiation: Sison, makaaalis ng bansa ng ligtas at malaya – PDU30

January 11, 2020

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na malaya at ligtas siyang makaaalis ng bansa kapag nabigo ang peace negotiations ng grupo nito sa pamahalaan.

Habang sinabi kasi ni Joma Sison na bukas siya sa muling pagsisimula ng peace talks, ay hindi naman ito pabor sa ideya na gawin ito sa Pilioinas.

Para kay Joma Sison, ito ay “totally unacceptable” pre-condition for him.

“I guarantee his safety and if nothing happens in the talks, he can go back freely to where he came from. Nobody would stop him, upon my oath, sinabi ko ‘yan as a president,” ayon kay Pangulong Duterte .

Binigyang diin pa ng Chief Executive na ang initial negotiations ay para lamang muna sa kanya at kay Joma Sison at kapag naging matagunpay ay saka pa lamang magte-take over ang committee.

“One-on-one muna ang negotiations. For as long as there are broad principles agreed upon, well the new committee that I have created will take over,” ani Pangulong Duterte.

Noong Disyembre ng nakaraang taon ay inatasan ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na lumipad patungong Netherlands para kausapin ang self-exiled communist leader na si Joma Sison.

“The longing for peace is always there. The doors must be open always or there must be at least one channel if everything closes, na puwede mong pakiusapan,” aniya pa rin. 

—– Kris Jose

SOURCE/S
Kapag nabigo ang peace negotiation: Sison, makaaalis ng bansa ng ligtas at malaya – PDU30