ITO BA MADADAAN SA PAKI-USAP? Dalawang Pusher arestado sa PHP 220,000. shabu sa Navotas.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

2 tulak dinamba sa P220K shabu sa Navotas

January 11, 2020

Navotas City – Timbog  ang dalawang  sainasabing tulak ng iligal na droga matapos makumpiskahan ng nasa P220,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation  kaninang   madaling araw  Enero 11.

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na sina Tirso Arevalo, 49, construction worker; at Jay Ar Dublin, 25, pedicab driver, kapwa ng Brgy. 12, Caloocan City.

Narekober sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 32.5 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P220,000 street value ang halaga, P300 buy-bust money at P300 bill.

Sa ipinadalang report ni Col. Balasabas kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ronaldo Ylagan, pasado  alas-12:35 ng Sabado ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao kontra sa mga suspek sa Area 1, Dalagang Bukid St, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, ng lungsod.

Isa sa mga operatiba ang nagpanggap na poseur-buyer at nagawang makaiskor ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 sa mga suspek.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka sinunggaban si Arevalo at Dublin.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa ng pulisya laban  sa mga  suspek sa Navotas City Prosecutors Office. 

—– Roger Panizal

SOURCE/S
2 tulak dinamba sa P220K shabu sa Navotas