PWEDE PALA! Milyon-Milyong tulong, binahagi ni Duterte at Go sa mga Magsasaka.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

PDU30, Go namigay ng P58M ayuda sa mga magsasaka

January 11, 2020

Manila, Philippines –  Isang magandang regalo ang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong taong 2020 sa mga magsasaka sa Rehiyong 12.

Kasama ni Pangulong Duterte si Senador Bong Go sa isinagawang ceremonial distribution ng agricultural assistance sa mga magsasaka ng Region XII sa Municipal Gymnasium, Pigcawayan, Cotabato.

Namahagi ang Chief Executive ng P58 milyong halaga ng farm inputs at machineries sa ilang farmer-cooperatives and associations sa rehiyon.

May apat na farmer-leaders naman ang tumayong kinatawan ng mga ito sa isinagawang ceremonial distribution kung saan ay nakatanggap ang bawat isa ng certificate of award para sa iba’t ibang halaga ng certified palay seeds, OPV corn seeds, urea fertilizers at hand tractors.

Tatlong magsasaka naman mula sa Libungan, Cotabato ang personal na nakatanggap mula sa Pangulo ng cash cards na ipinalabas ng Land Bank of the Philippines na naglalaman ng P5,000 financial assistance.

Ang 100 magsasaka naman mula sa Libungan na nag-aararo ng dalawang ektarya ng lupa o mas kaunti pa rito ay makatatanggap ng sarili nilang financial assistance cash cards na naglalaman ng P5,000 bawat isa.

Sa naging talumpati ng Pangulo ay kinikilala niya ang walang katumbas na kontribusyon ng mga magsasaka sa socio-economic growth ng bansa partikular na sa rehiyong Mindanao.

“We ask you to work with the administration so that together, we work on challenges ahead,” ayon kay Pangulong Duterte.

Idinagdag pa ng Pangulo na pananatilihin ng pamahalaan ang regular na konsultasyon sa agricultural sector upang madetermina at tugunan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Inatasan naman ng Chief Executive ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na maglagay ng training center sa Pigcawayan, Cotabato upang higit pang mapahusay ang kasanayan at kaalaman ng mga magsasaka.

Vocal naman si Go sa kahalagahan ng pagsuporta sa agricultural sector sa bansa.

Sinabi ni Go na hangad niyang itaas ang situwasyon ng mga magsasaka bilang daan upang masiguro ang food security sa bansa.

“Isa sila sa nagbibigay sa atin ng pagkain kaya malaki ang dapat na ibibigay nating tulong sa mga magsasaka. Talagang mahalaga sila sa bansa,” aniya pa rin. .

Pinuri naman ni Go ang pagsusumikap ng gobyerno na mapahusay ang accessibility ng mga fertilizers at ng bagong farming equipment at maging ng paglikha ng tamang pagpondo para sa pension ng mga magsasaka at scholarship ng mga anak ng magsasaka at ng mga future farmers .

“Itong abono, itong mga bagong makinarya, itong pension plan sa mga farmers, itong scholarship sa kanilang mga anak, at marami pang iba ay mahalagang tugunan dahil alam ko na ang mga ito ay iilan sa mga pinaka-priority ng mga farmers natin,” ang pahayag ng senador.

Sa naging talumpati pa rin ng Pangulo ay inatasan niya ang NIA na kumpletuhin ang Communal Irrigation System projects sa Cotabato ngayong taong 2020.

—– RNT

SOURCE/S
PDU30, Go namigay ng P58M ayuda sa mga magsasaka