SAYANG! Naghiwalay na? Nadine Lustre, lumayas sa bahay ni James Reid sa Quezon City.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

James Reid at Nadine Lustre, break na

January 1, 2020

Hindi ikatutuwa ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang balitang hiwalay na ang real-life lovers dahil sa “irreconcilable differences.”

Ang breakup nina James at Nadine ang unang malungkot na balita sa pagpasok ng taong 2020.

Tiyak na hindi ito basta matatanggap ng JaDine fans, na umasa at naniwalang may forever at ang kanilang mga iniidolong artista ang magkakatuluyan.

Hindi lingid sa malalapit na kaibigan nina James at Nadine ang naganap na hiwalayan nila, na hindi pa inaamin ng dalawa sa publiko.

Ayon sa isang malapit na tao kina James at Nadine, nag-alsa balutan at umalis na si Nadine sa bahay ni James sa Quezon City, na naging saksi sa kanilang pagmamahalan.

Sa mga interbyu noon kina James at Nadine, hindi nila itinanggi ang balitang nagsasama na sila sa iisang bubong.

CRYPTIC INSTAGRAM POSTS

Hindi naman nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng avid fans ng JaDine ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil ngayong araw, January 1, 2020, may ilan nang nagtatanong kung totoo ang balitang nakarating sa kanila tungkol sa split-up nina James at Nadine.

Ito ay matapos mabasa ang cryptic posts ni Nadine sa Instagram nitong mga nakalipas na araw.

One week ago, nag-post si Nadine ng larawan ng isang larawan ng babaeng nakatalikod na nasa isang veranda ng tila condo unit o hotel room. Naka-bikini lamang ang babae sa larawan na pinaniniwalaang si Nadine.

Caption ng aktres: “I can’t be who you want.”

Three days ago, nag-post naman si Nadine ng larawan ng apat na taong nasa dagat.

Caption niya rito: “no questions. just go with it.”

Kapansin-pansin ding walang posts sa social media sina James at Nadine na magkasama sila nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon.

Ang pinakahuling post ni James ng larawan kung saan kasama niya si Nadine ay noon pang Halloween 2019.

Saksi ang publiko sa matinding pagmamahalan nina Nadine at James, na inamin nila sa kanilang concert sa Smart Araneta Coliseum noong February 2016.

SOURCE/S
James Reid at Nadine Lustre, break na