WAG EPAL SA BANSA NAMIN! Isa pang U.S. Senator, pina-ban ni Pangulong Duterte.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Panawagan sa pagpapalaya kay de Lima: Isa pang senador mula US, naka-ban sa pagpasok sa bansa

January 1, 2020

Manila, Philippines – Iniutos na ni President Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa isa pang mambabatas sa United States na si Senator Edward Markey ng Massachusetts sa pagpasok sa bansang Pilipinas kaugnay sa panawagan sa pagpapalaya kay Senator Leila de Lima.

Ito ang kinumpirma ni presidential spokesperson Salvador Panelo.

Nauna nang i-ban ni Duterte sina US Senators Richard Durbin at Patrick Leahy sa pagpasok sa bansa.

Sina Markey, Durbin and Leahy ay tatlo sa 11 sponsors ng Senate Resolution 142 na ipinasa ng US Senate Foreign Relations Committee kung saan isinasaad ang panawagan sa pagpapalaya kay de Lima.

— Remate News Team|FGDC

SOURCE/S
Panawagan sa pagpapalaya kay de Lima: Isa pang senador mula US, naka-ban sa pagpasok sa bansa