HULI KA BALBON! Modus na tinatakas ang Menor de Edad papunta sa ibang Bansa, naharang sa Airport.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Nagpanggap na yaya, naharang ng BI

December 31, 2019

Manila, Philippines – Buking ang bago na namang modus ng mga sindikato ng human trafficking matapos maaresto ang mga babaeng nangpanggap na yaya ng bata upang maiwasan nila ang pagsusuri sa imigrasyon.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) port operations division chief Grifton Medina, ang nasabing pamamaraan ay natuklasan matapos maaresto sa magkahiwalay na pagkakataon sa NAIA terminal 3 ang dalawang babae kasama ang mga menor de edad na pumunta sa ibang bansa na umano’y bibisitahin ang mga magulang.

Ayon kay Medina unang naaresto ang 42 anyos na babae na nagtangkang umalis ng bansa patungong Macau na nagpanggap na guardian ng isang 14-anyos na batang babae.

Nasundan ito ng 31 anyos na babae na napigil din sa NAIA patungo naman ng United Arab Emirates kasama ang 16 anyos na batang lalaki.

“In both instances, the women pretended to be yayas or guardians of their minor companions. Indeed, these syndicates will stop at nothing in using every trick they can think of to skirt our ban on the departure of undocumented workers,” ayon kay Medina.

Ayon naman kay Ma. Timotea Barizo, chief of the BI’s travel control and enforcement unit (TCEU), kapwa ipinilit ng dalawang pasahero na sila ay mga yaya o guardian ng mga bata ngunit kalaunan ay umamin din na hindi nila kilala ang mga batang kasama nila.

“They claimed that they were only asked by the children’s parents to accompany their daughter and son in leaving and joining them abroad. Eventually, however, they confessed that they do not know their companions and they were merely asked to accompany them by the parents to be able to travel abroad.” ayon pa kay Barizo.

Lumabas naman sa imbestigasyon na hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakalabas ng bansa ang mga minors kasama ang umano’y guardian at bumabalik ng bansa na wala nang kasama. 

—– Jocelyn Tabangcura-Domenden

SOURCE/S
Nagpanggap na yaya, naharang ng BI