WAG NGA KAYO MAKIALAM! Senator Bong Go, may mensahe sa ilang mga U.S. Senators.


Ang kukulit nitong mga Amerikanong Senador ah. May sarili kaming Husgado. Bakit ba kayo nang-pre-pressure? Ano meron? Bansa niyo ba ito?

Ang dami niyo ngang problema dyan sa Amerika. Lutasin niyo muna. Wag kayo makialam dito sa Pilipinas. Amin ito.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

US senators, niresbakan ni Sen. Go

December 31, 2019

Manila, Philippines – “Mind your own business.”

Ito ang mensahe ni Senador Bong Go sa mga US senators na patuloy na nakikialam sa isyung panloob ng Pilipinas partikular sa kaso ni Senador Leila de Lima.

Pinayuhan din ni Go sina US Senator Richard Durbin at Senator Patrick Leahy na pagtuunan na lamang ng pansin ang sariling problema ng kanilang bansa.

Iginiit ni Go na siya bilang senador ng bansa ay aasikasuhin niya ang mga problema ng Pilipinas.

Muli namang nanindigan si Go na walang political persecution na nangyayari sa kaso ni Senador de Lima.

Dagdag ni Go, hindi istilo ni Pangulong Duterte ang pagganti at political harassment.

Ipinaalala din ni Go na kumpirmado ng Supreme Court ng bansa ang mga kaso ni de Lima. Kris Jose

SOURCE/S
US senators, niresbakan ni Sen. Go