KAPAL NG MUKHA MO! Hoy Sison, ikaw pa ngayon ang nagbabanta sa mga Pilipino?

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Bantang pagkansela ni Sison sa ceasefire, dedma sa Malakanyang

December 27, 2019 

Manila, Philippines – Hindi bibigay ang Malakanyang sa demand ni Communist party of the Philippines Chairman Jose Maria Sison na dapat magpakita pa ang gobyerno ng kaukulang katibayan na nag-uutos nga ito sa pulis at militar na suspindihin ang operasyon nito sa rebeldeng komunista.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng inihirit na demand ni Sison na idinaan sa kanyang Facebook account.

Tugon ni Sec. Panelo, huwag nang umasa si Joma na mapagbibigyan ang kanyang kapritso kahit magbanta pa itong ikakansela ang kanilang ginawang tigil putukan kung hindi niya makukuha ang naturang demand.

Malaya ani Sec. Panelo si Sison pati na ang kanyang mga kasamahang i-kansela ang kanilang uni-lateral ceasefire gayung parang wala namang saysay aniya ang ginawa nitong inisyatibo.

Sila din daw kasi ang unang-unang lumabag sa ginawa nilang deklarasyon kaya’t walang lohika ayon kay Sec. Panelo para pangambahan nila ang naturang bantang pagkakansela. Kris Jose

SOURCE/S
Bantang pagkansela ni Sison sa ceasefire, dedma sa Malakanyang