HAPPY NEW YEAR! Saan magcelebrate si Pangulong Duterte?


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

2020 sasalubungin ng PDU30 sa Davao kasama ang pamilya

December 27, 2019

Davao City – Sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpasok ng taong 2020 kasama ang kanyang pamilya sa Davao City.

Mas pinili ni Pangulong Duterte na ilaan ang New Year’s Eve kasama ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avanceña, maging ang kanyang mga anak at apo.

“Sa bahay. Palagi naman ganoon,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo bilang tugon sa tanong kung ano ang plano ng Pangulo para sa New Year’s Eve sa Disyembre 31.

“Tinanong ko siya kung walang plano. Sabi niya wala, sa mga apo ko lang,” ayon kay Sec. Panelo.

Kadalasan kasi na mas inilalaan ng Chief Executive ang kanyang libreng oras sa kanyang bahay sa Davao City at makipag-bonding sa kanyang pamilya.

Samantala, ipinagdiwang naman ng Pangulo ang kanyang Christmas Eve kasama ang kanyang pamilya sa kanyang tahanan sa Davao bilang bahagi ng annual tradition nito bago pa siya naging Pangulo ng bansa noong 2016. Kris Jose

SOURCE/S
2020 sasalubungin ng PDU30 sa Davao kasama ang pamilya