HUKUMAN BA KAYO NG PILIPINAS? Hindi kami nanghihimasok sa pamamalakad ng bansa niyo.


… kaya wag kayo manghimasok sa pamamalakad ng aming bansa. Kayo ba ang Pulis Pangkalawakan?

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

US travel ban vs gov’t officials na nagpakulong kay de Lima, ipinatupad na; X-mas wish na makalaya, inisnab

December 27, 2019 

Manila, Philippines – Dedma lang ang Malakanyang sa Christmas wish ni Senador Leila de Lima na makalaya sa lalong madaling panahon matapos maging opisyal na ang travel ban na ipatutupad ng Estados Unidos laban sa mga opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapakulong sa senadora.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang kapalaran ni de Lima ay nakasalalay sa local court na dumidinig ng kanyang kaso.

At taliwas aniya sa sinasabi ng US, ang pagpapakulong kay de Lima ay “not a wrongful detention.”

“As we have already explained, it’s not a wrongful detention. That’s for the court to decide, not for us… You must remember that it’s the court that will determine whether or not a person can be released whether on bail or one can be released because he or she has been acquitted. It’s always the courts,” ayon kay Sec. Panelo.

Sa kabilang dako, wala namang pakialam si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa naging hakbang ng Estados Unidos na i-deny ang pagpasok ng mga Philippine officials na responsable sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

Ipinagkibit-balikat ng Pangulo ang travel ban na ipinatupad laban sa mga opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa pag-aresto kay de Lima.

Ang katuwiran ng Pangulo ay dahil wala siyang interest na pumunta ng Amerika.

“Kung ayaw niya (Duterte) nga pumunta, how can he be worried?” ayon kay Sec. Panelo.

Sa ulat, ban o bawal na ngayong makapasok ng Washington ang mga government officials na sangkot sa pagpapakulong kay De Lima, ayon sa probisyon na nakapaloob sa USD1.4-trillion US budget para sa taong 2020 na nilagdaan ni US President Donald Trump.

Ang travel ban ay bahagi ng pag- amiyenda sa State and Foreign Operations Appropriations Section ng budget program na isinama ni US Senators Richard Durbin at Patrick Leahy ilang araw bago pa lagdaan ang nasabing dokumento noong nakaraang linggo.

Ang seksyon ay may titulong “Prohibition on Entry” provides that the US Secretary of State “shall apply sub-section (c) to foreign government officials about whom the Secretary has credible information have been involved in the wrongful imprisonment of… Senator Leila de Lima who are arrested in the Philippines in 2017.”

Matatandaang, taong 2017 pa nang makulong si De Lima sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa di umano’y pagkakasangkot nito sa illicit drug trade sa loob ng national penitentiary noong siya pa lamang ay Kalihim ng Department of Justice (DoJ).

Binigyang diin ni Sec. Panelo na ang US travel ban ay taliwas sa standing invitation para kay Pangulong Duterte na bumisita sa Washington.

“Exactly, that is a contradiction. There is a standing invitation,” ayon kay Sec. Panelo.

Wala naman aniyang balak ang Philippine government na i-apela pa ang naging desisyon ng Amerika.

“In the first place we are not asking for reconsideration. My statement is very clear. We cannot intrude into the process of a sovereign state, in the same way that they cannot intrude into ours,” ani Sec. Panelo. Kris Jose

SOURCE/S
US travel ban vs gov’t officials na nagpakulong kay de Lima, ipinatupad na; X-mas wish na makalaya, inisnab