BUS ACCIDENT ULIT. Ganito na lang ba tayo lagi?


Hindi yan tataob kung mabagal ang takbo sa isang Zigzag Road. Ibig sabihin lang, mabilis ang takbo dyan.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Bus, tumagilid sa Oriental Mindoro, 12 katao, sugatan

December 29, 2019

Oriental Mindoro, Philippines – Tumagilid ang isang pampasaherong bus sa bayan ng Socorro, Oriental Mindoro at sugatan ang 12 na sakay ng nasabing bus.

Mula Roxas Port aang Elms Bus at may sakay na 24 na katao papuntang Calapan City port nang maganap ang aksidente, ayon sa MIMAROPA Police.

Agad namang sinugod sa ospital ang mga sugatang pasahero sa Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Calapan City.

Nagkamali umano sa kanyang kalkulasyon ang bus driver na si Marcelio Reyes nang dumating sa zigzag road kung kaya’t nawalan siya ng kontrol hanggang sa tumagilid ito.

Hindi naman nasaktan ang driver at hawak na siya ng awtoridad.

Kakabigay lang ng special permit ngayong holiday ang nasabing bus para sa rutang Iloilo -Batangas – Calapan – Roxas – Caticlan. Remate News Team|MM

SOURCE/S
Bus, tumagilid sa Oriental Mindoro, 12 katao, sugatan