BAKA MAIPIT KAYO. Mga Road Closures para Black Nazarene Thanksgiving nilabas na.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Re-routing, road closure para sa Black Nazarene Thanksgiving procession, alamin

December 29, 2019

Manila, Philippines – Naglabas ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit kaugnay sa isasarang kalsada at posibleng mga ruta ng mga sasakyan para sa Black Nazarene Thanksgiving procession bukas, Disyembre 30.

Ang ruta ng prusisyon mula Plaza Miranda o Quiapo church, kaliwa sa Quezon Blvd, kanan sa C.M Recto Avenue, kanan sa Loyola St., kanan sa Bilibid Viejo St., kaliwa Gil Puyat St., kaliwa Z.P de Guzman St., (Mendoza St), right R. Hidalgo St., kaliwa sa Quezon Blvd., at dadaan sa ilalim ng Quezon Bridge , dadaan sa Palanca St., kana sa Villalobos St., pabalik sa Plaza Miranda.

Simula naman alas-8:30 ng gabi ay isasara ang Southbound lane ng Quezon Blvd. (Quiapo) mula A.Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda.

Sarado rin sa trapiko ang Espana, P. Campa, Lerma para sa lahat ng uri ng sasakyan.

Gayundin ang Eastbound lane ng C.M Recto mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola St.

Lahat naman ng mga sasakyang manggagaling ng Quezon City na dadaan ng southbound lane ng Espana Avenue ay dapat kumanan sa P.Campa St., saka kumaliwa sa A.Mendoza St., kanan sa Fugoso St., kaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.

Habang ang mga sasakyan na mula A.Mendoza St.,na dadaan ng Quezon Blvd., ay dapat kumanan sa Fugoso kaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.

Maari namang kumaliwa sa Rizal Avenue hanggang makarating sa kanilang destinasyon ang mga motorista na babagtas sa eastbound lane ng C.M Recto mula Divisoria. Jocelyn Tabangcura-Domenden

SOURCE/S
Re-routing, road closure para sa Black Nazarene Thanksgiving procession, alamin