WAG NAMAN GANYAN! Senator Bong Go, may paki-usap sa mga Lokal na Opisyal.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Pakiusap ni Sen. Go: Makonsensya ang mga opisyal, makarating ang tulong sa mga biktima ng #UrsulaPH

December 29, 2019

Manila, Philippines – Pinakiusapan ni Senador Bong Go ang mga lokal na opisyal ng Balasan, Iloilo na tiyakin na makararating sa mga nabiktima ng Bagyong Ursula ang lahat ng tulong mula sa national government.

“Ako po ay nakikiusap, ito ay panahon ng pagtutulungan, makonsensya na lang po tayo. Kung anuman po na tulong na ipinadala dito para po yan sa ating mga kababayan,” ani Go.

“Pinili po kayo ng mga tao bilang leaders, malaki din po ang tiwala ko sa kanila kaya naman sana ay ibigay nila sa mga tao ang mga dumarating na tulong,” dagdag na pahayag nito.

Iniulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council na may 5,700 pamilya o 21,900 indibiduwal mula sa Western Visayas ang naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Ursula.

Napaulat din na 13 katao ang namatay sa rehiyon kung saan 9 mula sa Iloilo at 4 naman nula sa Capiz.

Sa naging pagbisita ni Go sa Balasan Gym ay namahagi ang senador ng relief at financial assistance sa 213 apektadong pamilya ng kalamidad.

Sinabi ni Go na magbibigay din siya ng uniforms at iba pang school supplies sa mga estudyante na nawalan ng gamit dahil sa bagyo.

“Mayroon po akong dalang mga pagkain, grocery pack. Ang programa ng gobyerno, nandito din sila para makatulong po sa inyo,” ani Go.

Bumisita rin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyong Ursula upang magbigay ng angkop na tulong.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magbibigay ng cash assistance sa mga nabiktima ng bagyong Ursula base sa validated list na inihanda ng mga local leaders.

“May programa tayo sa gobyerno. Nandito ang iba’t ibang mga ahensya para magbigay ng assistance. Iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulung-tulong tayo para makaahon kaagad sila,” ayon kay Go.

Para naman sa mga nagnanais na muling itayo ang kanilang mga nasirang bahay ay maaari aniyang humingi ng tulong mula sa National Housing Authority (NHA).

“Ang NHA, merong programa na magbibigay sila ng housing materials sa lahat ng mga totally damaged. Bibigyan lahat sila para makapagpatayo kaagad ng bahay,” ani Go.

May livelihood program naman aniya ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ang iba’t ibang ahensiya aniya ng gobyerno ay magbibigay din ng tulong.

At para naman sa mga nabiktima ng bagyo na mayroong medical conditions na nangangailangan ng espesyalista ay sinabi ni Go na handa siyang dalhin ang mga ito sa medical specialists sa Maynila upang sila ay masuri.

“Sa mga nais magpa-opera dahil walang espesyalista dito sa kanilang lugar, ako na po ang sasalo para makapagpa-opera sila sa Manila,” ang pahayag ni Go.

Sa kabilang dalo, para isulong ang paghahanda at para mapagaan ang panganib na dulot ng natural disasters ay sinabi ni Go na naghain na siya ng Senate Bill (SB) No. 205 o “Department of Disaster Resilience Act of 2019” na nagpapanukala na lumikha ng Department of Disaster Resilience na ang layunin ay “an empowered, highly specialized department with clear unity of command and primarily responsible in ensuring safe, adaptive and disaster-resilient communities.”

“Layunin po ng batas na ito na magkaroon ng hiwalay na departamento na tututok sa pag-manage natin ng mga sakuna. Tapos na kami sa committee hearing at ipu-push ko ito na mapabilis,” ayon kay Go.

Matatandaang noong Nobyembre 11 ay binigyang diin ni Go sa Joint Committee Hearing of the National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation; Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation; Ways and Means; and Finance Committees ang pangagailangan ng bansa na maging mas ‘proactive’ sa pagtugon sa natural disasters.

“Equally important na proactive tayo bago ang sakuna. Dapat may magtuturo sa mga LGUs kung ano ang dapat gawin sakaling may darating na sakuna. Handa tayo dapat bago pa ito dumating,” ayon kay Go.

“Kapag may isang departamento na, alam na ng ating mga kababayan kung sino ang kanilang lalapitan. Alam na din kung sino ang makikipag-coordinate sa iba’t ibang ahensya. Huwag na nating hintayin na magkaroon pa ng bagyo, sunog, lindol,” dagdag na pahayag nito.

Matapos namang bisitahin ni Go ang Balasan ay dumiretso ang senador sa bayan ng Pontevedra upang maghatid din ng tulong sa mga nabiktima ng bagyong Ursula sa lalawigan ng Capiz.

“Kahit saang sulok po ng Pilipinas, pupuntahan ko po kayo hanggang sa makakaya ko para magbigay ng tulong at mag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” ang pahayag ni Go sa mga nabiktima.

Ang paliwanag pa ni Go ay regular niyang binibisita ang mga biktima ng kalamidad upang pakinggan ang alalahanin ng mga ito at bigyang solusyon ang kanilang pang- araw-araw na pakikibaka sa buhay. Kris Jose

SOURCE/S
Pakiusap ni Sen. Go: Makonsensya ang mga opisyal, makarating ang tulong sa mga biktima ng #UrsulaPH