SINO NAGPA-AIRSTRIKE SA LIBYA? Philippine Embassy sa Tripoli, may mensahe sa Publiko.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Walang Pinoy na nasaktan sa Zawiyah airstrike – PHL Embassy

December 27, 2019

Libya – Walang Pilipinong nasaktan mula sa deadly airstrikes na isinagawa sa Zawiyah district sa Libya, ayon sa Philippine Embassy in Tripoli.

Nasa dalawang katao ang naiulat na nasawi habang 10 naman ang sugatan matapos ang deadly airstrikes habang patuloy na nagaganap ang mga bakbakan sa Tripoli at sa mga kalapit-lugar nito.

Sinabi ni Embassy Chargè d’Affaires Elmer Cato na pitong Pinoy ang nakatira sa Zawiyah district na pawang mga nurse, ngunit sa kabutihang palad ay walang nasugatan sa pag-atake.

“We have not received reports of Filipinos being among the casualties in the recent incidents. But the Embassy is closely monitoring the situation on the ground,” ani Cato sa isang text message.

Binabantayan din ng embassy ang mga balita, partikular na sa Salahuddin district kung saan nagaganap ang labanan sa nakalipas na mga buwan.

“There are about 20 Filipinos in the area who we have been advising to relocate. Some already have moved to relatives and friends elsewhere,” sinabi pa nito.

Nitong Huwebes, Disyembre 26, na-repatriate ang pitong Pilipino kabilang na ang dalawang minor de edad. Nasa 149 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa Tripoli at mga karatig-lugar nito ang natulungan ng Department of Foreign Affairs at DOLE upang makabalik sa bansa.

Sinabi rin ni Cato na higit nasa 1,000 Pilipino na pawang mga nurses at hospital workers kasama ang kanilang mga pamilya ang nananatili sa Tripoli at katabing lugar nito.

Inilagay na rin sila sa Alert Level IV.

Nasa 10 porsyento na rin ang na-repatriate habang ang ilan ay binigyan ng pansamantalang tirahan ng embassy. Remate News Team|MM

SOURCE/S
Walang Pinoy na nasaktan sa Zawiyah airstrike – PHL Embassy