EARLY CAMPAIGNING SABI NG MGA DILAW? Utut niyo, hindi lang kayo sanay na tumutulong pa rin kahit tapos na ang Eleksyon.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Sen Go: Umiwas sa paputok; Sta. Ana, Manila fire victims, inayudahan

December 27, 2019

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang publiko na umiwas sa paggamit ng paputok, lalo sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Ibili niyo na lang ng panghanda ang pera ninyo kaysa naman maputol ‘yung mga daliri ninyo. Hindi ninyo kontrolado minsan ang lakas ng mga paputok,” ani Go nang makapanayam sa pagbisita niya sa mga naging biktima ng sunog sa Sta. Ana, Maynila.

Pinaalalahanan niya ang publiko na ang paggamit ng mga paputok sa mga residential areas ay mahigpit na ipinagbabawal.

“Meron pong pinirmahan si Pangulong Rodrigo Duterte na executive order regulating firecrackers. Pwede lang po sa mga designated areas,” aniya.

Noong 2017, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 28 na naglilimita ng paggamit ng firecrackers sa mga community fireworks display. 

Ang nasabing aktibidad ay dapat na may permiso ng municipal o city government. Dapat din itong isagawa sa ilalim ng pamamahala ng isang licensed person.

Nang tanungin sa posibilidad ng total ban ng mga paputok, sinabi ni Go na may nais niya na i-regulate ang paggamit nito. 

“Depende po sa Pangulo ‘yun. Kung gagawing batas ito, pwede namang regulated. Doon po sa lugar na talagang designated at walang masasaktan, lalong lalo na po ‘yung mga bata,” paliwanag niya.

“Ngayon naman pong 2019, sabi ni Pangulo, discretion na po ng local government kung ano ang ipapatupad nilang batas sa kanilang mga lugar, pero sa tingin ko, nakaka-adjust na ang mga Pilipino. Gusto na rin po siguro nila na wala nang masaktan,” dagdag ng senador.

Kaugnay nito, namahagi si Sen. Go ng cash at relief assistance sa may 51 pamilyang nasunugan noon mismong Christmas Day sa Sta. Ana, Maynila. Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa 1858 Estrada Ext., Oro-B St. ay may 35 kabahayan ang tinupok.

Nakatanggap din ang fire victims ng karagdagang tulong mula sa DSWD, National Housing Authority (NHA), Department of Trade and Industry (DTI) at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP). RNT

SOURCE/S
Sen Go: Umiwas sa paputok; Sta. Ana, Manila fire victims, inayudahan