WAG KAYONG BASTOS AMERIKA! Ano ang magiging reaksyon ni President Trump sa ginawa ni Pangulong Duterte?


Salamat po Pangulong Duterte. We are a Country with Sovereign Rights. Hindi dapat nakiki-alam o nagpaparining ang kahit sinong Foreign Country sa ating Bansa. May mga tamang proseso o protocol o courtesy na dapat sundin. In short… Wag silang bastos.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Imbitasyon ni Trump na bumisita sa White House, tablado na kay PDU30

December 27, 2019

Manila, Philippines – Pormal na tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump sa kanya na bumisita sa Washington.

“He said he would respond to the invitation and will decline,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo

Ang desisyon ni Pangulong Duterte ay walang kinalaman sa ginawang paglagda ni President Trump sa US Fiscal Year 2020 State and Foreign Operations Appropriations Act kung saan nakapaloob ang probisyon na nagba-ban sa mga Philippine government officials na sangkot sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

“He said he never intended to visit the US naman ever since,” ayon kay Sec. Panelo

Taong 2017 nang imbitahan ni Trump si Pangulong Duterte na bumisita sa White House.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng mahabang biyahe.

Bukod pa rito ay hectic din kasi ang iskedyul ng Pangulo kaya’t malamang na hindi niya talaga matupad ang imbitasyon ni Trump.

At sa tanong kung dapat pang masamain ni Pangulong Duterte ang ginawang pagtinta ni President Trump sa budget law kung saan nakapaloob ang probinsyon ng entry ban, ay sinabi ni Sec. Panelo na “no.”

“No. Kasi unang-una, I have already repeatedly said, it’s not naman self-executory eh. The law itself says if there is credible information received by the one who will decide – and the one who will decide will be the Secretary of State.

“And that is why even the Ambassador, as I related to you, when we had an encounter in one party the other night, he said eh sa Congress naman eh,” aniya pa rin. Kris Jose

SOURCE/S
Imbitasyon ni Trump na bumisita sa White House, tablado na kay PDU30