DAHIL SA INCENTIVES? Philippine Competition Commission, babantayan ang sikat na Ride App.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

PCC binabantayan ang incentives ng Grab sa kanilang driver-partners

December 28, 2019

Manila, Philippines – Binabantayan na ng Philippine Competition Commission (PCC) ang incentives sa kanilang driver-partners ng transport network company Grab Philippines para masigurong patas ito sa iba pang competitors.

“Babantayan din namin ang incentives nila kasi baka nadi-discourage ang ilang driver na magserbisyo sa ibang rider hailing app,” ani PCC Commissioner Johannes Bernabe sa isang panayam.

 “Ang atin pong binabantayan ngayon ay kung paano nila ine-exercise ang kanilang monopoly power.”

“Walang mataas na kakumpitensya ang Grab sa ngayon,” dagdag pa nito.

Maaalalang noong Nobyembre, inatasan ng PCC ang grab na magbigay ng P5 milyong refund sa mga pasahero dahil sa paglabag sa kanilang voluntary commitments.

Ayon sa Grab, magkakaroon ng P1 refund kada P1,200.00 total fares ng pasahero mula February 10 hanggang May 10 ngayong taon.

Habang magkakaroon din ng P1 refund sa kada P450 sa total fares mula May 11 hanggang August 10, 2019. Remate News Team|FGDC

SOURCE/S
PCC binabantayan ang incentives ng Grab sa kanilang driver-partners