MAG-INGAT PO! Naglabas ng warning ang FDA laban sa isang Food Supplement.

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

FDA nagbabala vs. men’s food supplement

December 20, 2019

Manila, Philippines – Nagbabala na sa publiko ang Food and Drug Administration laban sa pag-inom ng food supplement para sa mga lalaki.

Ayon sa ulat, ang BRAVO Maca + Jatropha + Corynaea Crassa Food Supplement for Men na may lot number na ABV38F26T ay positibo sa Tadalafila.

Ang tadalafila ay ginagamit bilang lunas sa  drug for erectile dysfunction, pagkabaog, at pulmonary hypertension.

Ang naturang gamot ay kakailanganin muna ng prescription mula sa doktor.

“‘Yong prescription medicines kasi mayroon siyang indication and kontra indication, hindi katulad ng food na safe ‘yan for general consumption. Ang gamot, mayroong mga tao na puwedeng mag-take at mayroong mga taong hindi puwedeng mag-take kaya nagagamit lamang ito o nabibili kung mayroong reseta ng doktor,” pahayag ni FDA director general Eric Domingo.

In November 2018, the FDA has already issued a similar advisory against the BRAVO Maca + Jatropha + Corynaea Crassa Food Supplement for Men due to the same reason.

Depensa ng kompanya nitong Kauffman Pharma, wala aniyang Tadalafil sa kanilang men’s supplements at nagsasagawa na ng pag-aaral.

“Our conscience is very clear that Tadalafil is not present in our drug. Maybe what they’re saying is similar to Tadalafil but it’s not Tadalafil,” paliwanag ni Gil Caoile, product manager ng Bravo Kauffman Pharma.

Dagdag pa ng FDA, pag napatunayang lumaboag ang kompanya sa polisiya, magkakaroon ng pananagutan ang kompanya. Remate News Team|FGDC

SOURCE/S
FDA nagbabala vs. men’s food supplement