AFTER 10 YEARS! Hustisya sa Pilipinas, may pag-asa na bumilis pa kaya?

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Go, nababagalan sa justice system sa bansa

December 20, 2019

Manila, Philippines – Hindi sapat na mabigyan lang ng hustisya ang bawat pamilya at mga nabiktima ng Maguindanao massacre.

Matapos ibaba ni Quezon City Regional Trial Court , Branch 221, Judge Jocelyn Solis-Reyes ang ‘guilty verdict’ sa mga pangunahing salarin sa 2009 Maguindanao Massacre kahapon, Disyembre 19 ay sinabi ni Senaďor Bong Go na marami pa dapat ang gawin para sa mga biktima at kanilang pamilya.

“Finally, after ten long years ay nabigyan na ng hustisya na matagal na nilang inaasam, pero hindi sapat ’yun dahil maraming nangungulila. Hindi na maibabalik ‘yung buhay na nawala dahil sa karumal-dumal na krimen na nangyari,” ayon kay Go sa isang panayam matapos dumalo sa Nauna rito, dumalo sa pagbubukas ng pang- 56 Malasakit Center sa San Juan Medical Center sa San Juan City.

Nababagalan aniya kasi siya sa judicial system sa bansa.

Sa katunayan ay naghihinagpis si Go sa napakatagal na paglilitis ng kasong ito.

“Napakabagal ng ating judicial system. Bakit umabot ng sampung taon? ‘Yung mga nangulila noon, ang tanda na ngayon. Managot ang dapat managot kaagad. Huwag nang hintayin na napakatagal pa para mabigyan ng hustisya,” ayon kay Go.

Makaraan ang 10 taon ay nabuo ang higit 700-pahinang desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 judge Jocelyn Solis-Reyes, guilty sa mga kasong murder sina Datu Andal “Unsay” Ampatuan, Jr., Datu Zaldy “Puti” Ampatuan, Datu Anwar Ampatuan, Sr., Datu Anwar Ampatuan, Jr., Datu Anwar Sajid Ampatuan, at iba pang mga dawit sa krimen.

Pinawalang-sala naman sina Datu Sajid Islam Ampatuan, Datu Akmad “Tato” Ampatuan, Sr., at iba pa.

Matatandaang noong Nobyembre 23, 2009 ay may 58 katao sa pangunguna ng babaeng miyembro ng Mangundadatu family at 32 journalists at media workers, ang pinatay sa Ampatuan, Maguindanao, habang patungo sana sa lugar kung saan ihahain nila ang certificate of candidacy ni Esmael “Toto” Mangudadatu para sa pagka-gobernador ng nasabing lalawigan nang harangin ang convoy ng kaniyang pamilya.

Dinala ang mga biktima sa isang lugar kung saan sila niratrat ng mga armadong grupo sa utos ng mga miyembro ng Ampatuan clan, na balak sanang harangin ang pagkandidato ni Mangudadatu.

Inalala pa ni Go na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na noon ay Mayor ng Davao City, ay naging intrumento sa pagkakatuklas ng crime scene.

“Isa po kami ni Pangulong Duterte (sa mga tumulong) kaya nakita ‘yung hukay. Tumawag ‘yung pamilya sa amin at humingi ng saklolo dahil nakidnap daw ng umagang ‘yun ang mga kaanak nila. Humiram sila ng helicopter. Nakarating kaagad dun. Kung hindi siguro naabutan ‘yun, baka natago pa iyon,” ayon sa senador.

Sinabi ni Go sa mga taong naghahanap ng katarungan para sa kanilang mahal sa buhay na biktima ng karumal-dumal na krimen na ito na maaaring lumapit at humingi ng tulong sa kanila ni Pangulong Duterte.

“‘Yung pag-aantay ng sampung taon ay napakatagal. Hindi ko masisisi ang ating mga kababayan na lumapit sa Pangulo para humingi ng hustisya. Huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa amin lalo na sa mga Pilipinong hopeless at helpless. Nandito kami para magserbisyo sa inyo,” ayon kay Go.

Samantala, ipinag-utos din ni Judge Reyes sa mga salarin na magbayad ng milyong piso bilang danyos sa pamilya ng 57 katao na pinatay sa massacre.

Pinawalang-sala naman ni Judge Reyes ang mahigit 50 na akusado kabilang na sina Datu Sajid Islam Ampatuan, Datu Akmad “Tato” Ampatuan, Sr., at iba pa.

Naglabas naman ng arrest warrant ang korte laban sa 80 iba pang suspek na at-large.

Nilinaw ni Go na hindi niya sinisisi ang judge para sa pagkakaantala ng pagbaba ng hatol sa kaso.

“Hindi naman po ako nawawalan ng pag-asa sa ating judicial system. Ayoko kong i-rate ang mga judges. Ang importante nabigyan sila ng hustisya. Matagal na nilang hinihingi ito,” ang pahayag ni Go.

Sa ulat, kabilang sa mga pangunahing akusado ng Maguindanao massacre ay ang magkapatid na sina Andal Ampatuan Jr. at Zaldy Ampatuan, na isang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang mangyari ang krimen.

Ang kanilang ama na si Andal Ampatuan Sr., na gobernador ng Maguindanao nang panahon na iyon ay kinasuhan din subalit namatay sa loob ng bilangguan dahil sa liver cancer noong 2015.

Sinasabing hinamon ni Mangudadatu, vice mayor ng Buluan, Maguindanao, noong 2009 si Datu Unsay mayor Andal Ampatuan Jr. para sa pagka -gobernador ng naturang lalawigan.

Sinabi ng saksi sa paglilitis na nagdesisyon ang Ampatuan family na patayin si Mangudadatu dahil ayaw nitong umatras na tumakbo sa pagka-gobernador.

Sa halip nga ay pinadala ni Mangudadatu, ang kanyang asawa, ibang babaeng miyembro ng kanyang pamilya at 3 babaeng abogado para maghain ng kanyang kandidatura dahil sa paniniwalang hindi gagalawin at sasaktan ang mga ito.

Sa Islam, mataas ang pagkilala at pagrespeto sa mga kababaihan.

Inimbitahan din ni Mangudadatu ang mga journalists na mag-cover ng event. Anim sa mga biktima ay bumiyahe ng sarili nila at napagkamalang bahagi ng convoy. Kris Jose

SOURCE/S
Go, nababagalan sa justice system sa bansa