SANIB PWERSA? Ang saya naman nito, magtutulungan ang AFP at PNP.


#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

AFP, tutulong sa PNP para arestuhin ang ibang suspek sa Maguindanao massacre

December 22, 2019

Manila, Philippines – “More than willing” na tulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Philippine National Police sa paghanap at paghuli sa natitira pang 80 na suspek sa Maguindanao massacre kung saan 57 na katao, kabilang ang 31 na mamamahayag ang brutal na pinaslang.

Ito ang mensaheng pinadala ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson, Marine Brig. Gen. Edgard Arevalo nitong Sabado, Disyembre 21.

“The AFP vigorously supports the PNP in law enforcement operations as in the previous cases. The manhunt for the remaining suspects in the Maguindanao massacre who are still at large is no different,” ani Arevalo.

Pahayag ni Arevalo, hindi ito isyu sapagkat ito ay isang “interest of peace and order”.

“Where the AFP’s help is needed, in the interest of peace and order to protect our people and secure the state, we will commit all available resources to locate and arrest fugitives from justice,” dagdag niya.

Sa ibinabang desisyon ng korte, hinatulang guilty sa kasong murder “beyond a reasonable doubt” ang magkapatid na sina Datu Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan pati ang iba pang miyembro ng pamilya.

Sa kabilang banda, acquitted naman sina Sajid Islam Ampatuan and Datu Akmad “Tato” Ampatuan Sr. at iba pang mga kapulisan “due to reasonable doubt”.

Orihinal na 58 ang biktima sa naganap na pagpatay noong Nobyembre 23, 2009 subalit ang ika-58 na biktima nitong si Reynaldo Momay, isang local media photographer, ay idineklarang nawawala dahil 57 lamang ang katawang narekober sa pinangyarihan ng insidente. Remate News Team|MM

SOURCE/S
AFP, tutulong sa PNP para arestuhin ang ibang suspek sa Maguindanao massacre