RATINGS NI DUTERTE TUMAAS PA! Deklarasyon ni Trillanes, pumalya na naman.

Naglabas ng deklarasyon si Former Senator Trillanes noong 2017 na babagsak daw ng tuluyan ang ratings ni Pangulong Duterte.

Papasok na tayo ng 2020 pero tumaas ulit at pumalo ng 87% ang Ratings ni Pangulong Duterte. Ano ibig sabihin nun?

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

87% trust rating ni PDU30 sa Pulse Asia survey, hindi na ikinagulat ni Go

December 23, 2019

Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senador Bong Go ang 87% na trust rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa latest survey ng Pulse Asia.

Sinabi ni Go na inaasahan na niya ang mataas na trust rating sa Pangulo dahil ramdam na ng marami ang  bunga ng mga reporma at programa ng administrasyon.

Ayon kay Go, marami na ang hindi natatakot na maglakad kahit dis-oras ng  gabi dahil sa anti-criminality at anti-illegal drugs campaign ng pangulo.

Iginiit din ni Go na hindi lang sa mga ganitong programa ramdam ang mga nagawa ni Pangulong  Duterte simula nang maupo ito sa puwesto, maging sa infrastructure na walang pangalan ang mga proyekto, anti-illegal drugs  at ang anti-corruption campaign nila ng pangulo.

Binigyang diin ni Go na kahit kakampi nila noong eleksyon o maging  kaibigan kung pumasok sa korapsyon ay hindi nila sasantuhin.

Dagdag pa ni Go na wala silang  ibang hangad ng pangulo kundi ang para sa kapakanan ng mga Pilipino. Kris Jose

Babagsak pa ang rating ni Duterte – Trillanes

October 9, 2017

Malaki ang paniniwala ni Senador Antonio Trillanes IV na lalo pang bababa ang rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod pang mga survey.

Ito’y dahil sa nagsisimula na umanong makita ng taumbayan ang tunay na ugali ng pangulo na isa umanong sinungaling, korap at abusado.

“It’s very encouraging to know that the Filipino people are beginning to see the light. They are now seeing Duterte for who he really is: a lying, rude, amoral, corrupt and oppressive former mayor who is totally incompetent about governance at the national level,” sabi ni Trillanes sa isang statement kanina.

“Worse, his bloody war on drugs has killed thousands of his own people and created a climate of fear across the country,” Trillanes added.

Paniwala ng senador, magiging “worse” pa lalo ang susunod na survey dahil ang resluta ng latest Social Weather Stations (SWS) ay isingawa bago pa man nagsimulang imbestigahan ng Ombudsman ang bank accounts ni Duterte.

“To think that this survey was done just before the Ombudsman confirmed Duterte’s billion peso bank deposits, so the net survey results are expected to be worse,” ayon pa kay Trillanes.

Paulit-ulit na inakusahan ng senador si Duterte na may bank transactions na mahigit sa P2.2 bilyon mula Setyembre 2006 hanggang December 2015.

.

.

.

.

.

SOURCE/S
87% trust rating ni PDU30 sa Pulse Asia survey, hindi na ikinagulat ni Go

Babagsak pa ang rating ni Duterte – Trillanes