IBALIK NA SA GOBYERNO! Pati ba naman Tubig, manlalamang kayo ng mga Ordinaryong Tao?


Lumalabas sa Public Documents niyo na Milyon-milyon kada taon ang binabayad ng Manila Water at Maynilad para sa mga “experts” o “consultants”. Seryoso ba kayo?

Sa mga sub-contractors naman, sky’s the limit dahil taumbayan naman ang magbabayad sa pamamagitan ng dagdag singil?

Paano yung mga one-sided clauses sa kontrata? Abuso yun at nanlalamang!

IBALIK NA SA GOBYERNO ANG TUBIG!

Alam niyo, ito ang problema sa ibang mga nakapag-aral. Imbes na gamitin ang kanilang mga College Degrees o mga napag-aralan para sa mabuti eh ginagamit nila ito para manlamang ng mga Ordinaryong Tao.

May kaluluwa pa ba kayo? Basic Needs na yung Tubig eh, gagatasan niyo pa ang mga Ordinaryong Tao?

Ito rin ang isa sa mga frustrations ko sa Relihiyon or simbahan eh. YOU ARE FAILING! You are supposed to be the Soul Shaper ng Society and yet you are allowing big businesses to operate like this for Basic Utilities. Asan ang Hustisya? Nasa bulsa niyo?

#Opinyon #Opinion #GNBCnews

FOR YOUR INFORMATION. The Opinions or Editorials published in this website are reactions to News Articles published by News Media. This exercise is a manifestation that Democracy and Freedom of Expression in the Philippines exists. However, the accuracy and the authenticity of the News Articles published by News Media are of their responsibility and is subject to the governing laws of the Philippine Constitution.

Ulat ng DOJ, SOLGEN, MWSS sa kontrata ng Maynilad, Manila water, inaasahang mahihimay ni PDu30; Hakbang, ilalahad sa Enero

December 23, 2019

Manila, Philippines – Sa darating na Enero 16 sa susunod na taon magkaka-alaman kung ano ang konkretong hakbang na gagawin ng pamahalaan kontra sa dalawang water concessionaires.

Sa harap na rin ito ng una ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aasuntuhin ng gobyerno ng economic plunder ang Maynilad at Manila water dahil sa umanoy labis na ginawa nitong pananamantala sa mga water consumers.

Ayon kay Cabinet secretary Karlo Alexei Nogales, marami nang nabasa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga report na naisumite na sa kanya ng DOJ, Office of the Solicitor General ganundin ng MWSS  na may kinalaman sa onerous contract na pinasok ng gobyerno sa dalawang pribadong kumpanya.

Sabi ni Nograles, mas maraming panahon ngayong holiday season ang Chief executive na basahin ang report na naisumite na sa kanya kabilang ang ulat galing sa Department of Finance at mula duon ay makabuo na ang Pangulo ng konkretong hakbang laban sa Maynilad at Manila water.

Matatapat ani Nograles ang January 6 para sa kanilang unang cabinet meeting sa taong 2020 pero hindi lang niya mabatid kung ang pasiya ng Pangulo tungkol sa concession agreement ay gagawin bago o habang ang pagpupulong ng mga miyembro ng gabinete. Kris Jose

SOURCE/S
Ulat ng DOJ, SOLGEN, MWSS sa kontrata ng Maynilad, Manila water, inaasahang mahihimay ni PDu30; Hakbang, ilalahad sa Enero