STANDARDIZE PARKING FEES? Papanagutin ang may-ari ng Establisiyemento sa pagkawala ng gamit…

Manila, Phillipines – Itatakda ng Senado sa P40 sa unang walong oras ang magiging bayad sa parking sa lahat ng malls, hospital, paaralan at iba pang establisiyemento upang maprotektahan ang consumer laban sa imposisyon ng hindi makatuwiran at mataas na singil sa parking fee.

Inihayag ito ni Senador Sherwin Gatchalian matapos simulan ang technical working group (TWG) meeting sa Senate Bill No. 745 o ang Parking Fees Regulation Act, na kanyang inawtor.

“My proposal, Mr. Chair, is to standardize parking fees to ₱40 for the first eight hours, additional ₱10 for the succeeding hours, and an overnight parking fee of ₱100 per vehicle,” ayon kay Gatchalian sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on trade, commerce and entrepreneurship.

Sinabi ni Gatchalian na sinimulan ng Senado ang paghuhusay sa mga detalye ng panukala na may layunin na panatilihin ang resonableng halaga sa singil ng parking fees di tulad ng kasalukuyan na iba’t iba kundi man mataas ang bayad.

“The measure also proposes waiver of the parking fee of customers who have purchased at least ₱1,000 worth of goods or services, provided that they have used the parking space for not more than three hours,” ayon kay Gatchalian.

Nakatakda sa panukala na papanagutin ang may-ari ng establisiyemento sa pagkawala ng gamit o pagkasira ng sasakyan habang nakaparada ito sa loob ng parking lot sa pamamagitan ng pagbabawal na iginiit ang waiver of liability.

Ayon sa mambabatas mulang Valenzuela, nag-ugat ang panukala sa pakikipag-usap nito sa isang kaibigan na nagsabing nakaranas siya ng krimen habang nasa loob ng isang parking facility.

“The owner of the parking facility refused to shoulder any of the damages and any of the hospital billings she incurred because the parking owner invoked the fine print on the parking slip provided upon entry, which states that the parking owner does not have any liability for any incidental losses or damages inside the facility,” ayon kay Gatchalian.

 “We want to bring the responsibility of these incidences back to the owner of the parking lot, and on top of that, we want to impose fines and penalties if ever any of provision is violated,” dagdag pa niya. 

Ernie Reyes

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Maayos na parking fee, itatakda ni Win: P40 sa unang 8 oras, P100 sa overnight