RIGHT TO DUE PROCESS. Nilinlang siya ng mga Recruiter niya sa pag-iismuggle ng…

Manila, Philippines – Pinayagan ng Supreme Court (SC) ang Pilipinang death row inmate na si Mary Jane Veloso na tumestigo laban sa umanong recruiters niya sa deposition sa Indonesia.

Inaprubahan ng third division ng SC ang petisyon na kumwestyon sa desisyon ng Court of Appeals na nagpa-reverse ng resolusyon ng Nueva Ecija regional trial court (RTC) na nagbibigay permiso kay Veloso, isang convicted drug mule, na tumestigo “through deposition by written interrogatories.”

“Thus, the Court reinstated and affirmed with modification the ruling of the RTC and ordered that the deposition of Mary Jane be taken before the Philippine Consular Office and officials in Indonesia pursuant to the Rules of Court and principles of jurisdiction,” sabi ng SC Public Information Office sa isang statement nitong Biyernes.

Naabot ang desisyon noong Oktubre 9, Miyerkules, ilang linggo matapos ang huling tsansa ng prosecution na makapag-present ng witness laban kina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na nahaharap sa kasong human trafficking, illegal recruitment at estafa.

Ini-schedule ng trial court ang huling hearing para sa “prosecution’s presentation of evidence” sa Oktubre 28.

“To disallow the written interrogatories will curtail Mary Jane’s right to due process,” ani SC PIO.

Sinintensyahan si Veloso ng “execution by firing squad” matapos siyang ma-convict sa drug trafficking at mahulihan ng 2.6 kilogramng heroin sakanyang bagahe sa Yogyakarta airport noong 2010.

Sinabi ni Veloso na nilinlang siya ng mga recruiter niya sa pag-iismuggle ng ilegal na droga sa Indonesia.

Iniligtas siya mula sa execution noong 2015, nang sumurender ang umanong recruiter niya na si Sergio sa mga awtoridad. Iminungkahi naman ng dating presidente Benigno Aquino III sa Indonesian government na gawing witness ang Pinay. 

Remate News Team|CSEF

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
SC, pinayagang tumestigo si Mary Jane Veloso vs recruiters