MULA SA AMERIKA? Itinabi ng U.S. Department of State ang $10 Million para sa…

Cavite – Itatayo sa Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ang isang counter-terrorism training center upang mapagtibay ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at United States.

Ginanap ang groundbreaking ceremony noong Biyernes sa presensya nina PNP chief Police General Oscar Albayalde at ang US Ambassador to the Philippines na si Sung Kim.

Itinabi ng US Department of State ang P520 milyon o $10 milyon sa counter-terrorism partnership funds upang matayo at mapatakbo ang training center kasama ang PNP.

Pagtapos ng konstruksyon nito, magbibigay ang center ng mga training kontra-terorismo para sa mga tauhang nagpapatupad ng batas mula sa Pilipinas at iba pang regional partner nations.

Ipinahayag ng US Embassy na ang pagkakatatag ng training center ay sumasalamin sa enduring commitment ng US para suportahan ang Philippine counter-terrorism efforts. 

Remate News Team|CSEF

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
PH-US counter-terror schools, itatayo sa Silang