BADING NANG-RAPE NG BABAE? “Kaso kaagad niyang tinakpan ang bibig ko…”

Pampanga – Inakusahan ang isang bading na may-ari ng parlor ng panggagahasa ng 18-anyos na babae sa Bacolor, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si Mitch Torres, Jr., 39, may ari ng parlor na ina-applyan ng dalagang biktima na iginiit naman na hindi niya ito ni-rape.

Ayon sa pulisya, sa gabi na naganap ang krimen, niyaya ng suspek ang dalaga sa kanyang parlor para makipag-inuman.

Hindi raw sanay sa inuman ang biktima kaya nalasing ito kaagad at doon na nangyari ang umanong rape.

“Nung time na yun, napasigaw ako. Kaso kaagad niyang tinakpan ang bibig ko. Hindi na ako nakapaglaban. Hindi na ako nakasigaw,” sabi ng biktima.

Iginiit naman ni Torres na “Hindi ko siya ni-rape, hindi ko siya pinwersa, kasi nagkasundo kami”.

Ayon pa sa suspek, hindi naman daw sila ‘talo’ ng biktima at nagkasundo lamang sila noong gabi na nag-inuman.

“Ako sir, feeling ko, babae ako… Sa kwentuhan namin, parang tinamaan ako, kasi babae siya, tapos kwento-kwento kami. Dahil ganyan, try natin. Okay, sige ate. Pero hindi ko siya pinuwersa. Kasi kagustuhan niya ‘yon,” sabi ni Torres.

Pero iba ang natuklasan sa pagiimbestiga.

“According dun sa kwento, nung gabi na ‘yun nanduon ang boyfriend ng suspek. But mayroon yata silang gustong gawin. Unfortunately hindi nag-materialize. So parang na divert sa victim ang urge ng suspek,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Louie Gonzaga.

Sinabi naman ng pulisya na dapat kapulutan ng aral ang nangyaring insidente.

“Iba yung appearance nung tao sa puwede niyang gawin, and anybody has the potential to commit a crime. So let us not be judgmental,” ani Gonzaga. 

Remate News Team|CSEF

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
18-anyos bebot, ginahasa umano ng among bading