NEW SERVICES? Naitalang halos 25 MILLION na ang gumagamit ng Messaging App na ito sa Pilipinas…

Singapore – Ipinahayag ni Viber CEO Djamel Agaoua na kailangan mag-offer ng mga bagong services o features ang mga messaging apps para makipagsabayan sa changing digital trends at mapanatili ang kanilang negosyo.

“We can imagine more and more a convenient feature of the ‘daily life’ and this is what we’re going to do in the future,” ani Agaoua sa isang panayam.

Naitalang halos 25 milyon na ang gumagamit ng Viber sa Pilipinas ayon sa kumpanya.

Ilan sa mga serbisyo o feature na pwedeng i-alok ng messaging apps ay ang shopping at payment options, automatic translations, pati na rin mga artificial intelligence-powered tools na kayang tumanggap ng mga command para makapagkontrol ng iba pang devices.

“You need to find a variety of services that fit your evolving needs,” aniya.

Ipinabatid ni Agaoua na dapat gumawa ang mga messaging apps ng mga kondisyon na makapagpapahirap sa mga user nito na lumipat pa sa ibang app, at dinagdag na ang goal ng Viber ay “to become users’ ‘lifetime app’”.

“The thing is the more we make a condition for you to make Viber your favorite tool to communicate with your family or closest friends, the more we have a chance that you’ll use it for long,” aniya 

“We try to build this, give a variety of content as well as push people to use it as a kind of an archive of your life.” 

Remate News Team|CSEF

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Messaging apps, kailangan ng ‘new services’ para magamit ng matagal-Viber