ALYAS “ONE BALL”? Pusher ng Shabu sa San Juan, hindi nanlaban sa PNP…

Kulungan ang bagsak ng 29-anyos na lalaki nang mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng San Juan Station Drug Enforcement Unit sa Barangay Balong-bato kamakalawa.

Nakilala ang suspek na si Jose Romulo Santos, alyas ‘One Ball’ at residente ng nasabing barangay, kasama sa listahan ng drug watchlist ng pulisya.

Ayon kay PCol. Jaime Santos, hepe ng San Juan Police, isinagawa ang buy-bust bandang alas-kuwatro kamakalawa nang hapon matapos makipagtransaksyon ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer para makabili ng droga sa suspek.

Walang nagawa ang suspek nang arestusin ito matapos ibigay ang isang sachet na naglalaman ng shabu. Nakuha sa kanya ang tatlong sealed transparent plastic sachet ng shabu at P300.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Juan City Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

— Vick Aquino

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
Tulak laglag sa San Juan buy-bust