#WalangForever — Isetann Recto

Dalawang araw lang matapos ikandado ni Manila Mayor Isko Moreno, balik business na ang Isetann Mall sa Recto, Manila.

Sa kanilang Facebook post nitong Huwebes, inanunsiyo ng Isetann Department Store and Supermarket na nakatakda silang magbukas sa Biyernes, Oktubre 11.

“#Walang Forever. Isetann Recto is back to business. To our valued shoppers, employees and partners; Isetann Recto will again open tomorrow, October 11, 2019 to serve you. Tuloy ang Pasko ng empleyado!” saad sa advisory ng mall.

Magugunitang isinara ng Manila local government ang naturang mall noong Miyerkoles matapos lumabag sa ilang ordinansa at pagkakaroon ng maling business permits.

— IS

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
Isetann Recto magbubukas na!