EMERGENCY ADVISORY: Naglabas ng abiso ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga OFWs sa Hong Kong…

PATULOY ang panawagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa Hong Kong na hangga’t maari ay huwag nang lumabas at umiwas sa mga lugar na may nagaganap na kilos protesta.

Ito ang ilan sa abiso ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na aniya’y dapat maging mapagmatyag ang mga OFW sa naturang bansa sa nagaganap na kaguluhan doon.

Gayundin, paulit-ulit na pinapaalala­hanan ng DOLE ang mga Pinoy sa Hong Kong na huwag magsuot na mga itim na damit para hindi pagkamalan na kabilang sila sa kilos protesta.

Kasabay nito, tiniyak ng kagawaran na mahigpit ang ginagawang mga pakikipag-ugnayan nila sa embahada ng Pilipinas sa Hong Kong para ma-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy.

— Mina Aquino

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
OFW sa HK ‘wag magsuot ng itim — Bello