DROGANG SISIRA NG MGA PAMILYA. Mga Pushers ng P255k na illegal droga, hindi nanlaban sa PNP…

UMABOT sa tinatayang P255,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa 5 tulak sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Conrado Tabing, 50-anyos; Rowel Esguerra, 27; Maria Loujean Bugarin, 24; Gilbert Ofemia, 31; at Jerome Asuncion, 29.

Isinagawa ng mga awtoridad ang operasyon mula alas-11:30 Miyerkoles nang gabi na umabot hanggang ala-1:30 Huwebes nang madaling-araw sa Barangay Molino 3, Evangelista Road, Maliksi Road at sa harapan ng day care at library ng Barangay Seneguelasan, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakuha kay Tabing ang tinatayang 2.5 gramo ng shabu na may street value na P17,000. 2 gramo naman ang nasamsam kina Esguerra at Bugarin na may street value na P13,600 habang umabot sa 25 gramo ng shabu ang nakuha kay Ofemia na tinatayang nasa P170,000 habang humigit kumulang sa 8 gramo ng shabu ang nakuha kay Asuncion na may street value na P54,400.

Nakakulong ang mga naarestong suspek sa Bacoor City Custodial Center at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
5 pusher timbog sa ₱255K shabu