PARA SA MGA ESTUDYANTE. Dasal po kapalit ng Libreng Sakay…

Manila, Philippines – Nag-alok ng libreng sakay ang isang habal habal driver sa mga estudyanteng naipit sa pagkaantala ng Light Rail System operation.

Ibinahagi ni Modrea Eulanne Reyes ang kanyang karanasan habang nag aantay ng masasakyan nang makita niya ang isang motorsiklong may nakalagay na ‘libreng sakay’ at maswerte aniya siya na mapabilang sa mga nakasakay rito.

Kinilala ang drayber na si Michael Vinuya.

Pinilit umano ni Reyes na bayaran si Vinuya ngunit tinanggihan ito at humingi ng dasal para sa kanyang 5-anyos na anak na kasalukuyang nasa ospital.

 “I insisted on paying him or even opening a fundraising account for their hospital bills, but he rejected me multiple times. He said all he wants is a prayer for his son,” saad ni Reyes.

“So to my family and friends, please say a prayer to little Marcus as a thank you to Kuya Mike,” hikayat pa nito. 

Remate News Team|FGDC

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Dasal, hininging kapalit ng habal habal drayber para sa libreng sakay