ACCIDENT LANG BA TALAGA? Twitter, aminadong nagamit ang Phone Numbers, Email ng mga members nito…

San Francisco – Ipinahayag ng social media site na Twitter na aksidente raw nilang nagamit ang mga phone number at email address na ibinigay ng mga user nito ‘for security purposes’ para makapag-palabas ng advertisements sa mga news feed nito.

Sinabi ng kumpanya noong Martes na ‘hindi sinasadyang’ gamitin ang mga email at phone numbers para hayaan ang mga advertiser na i-match ang mga tao sa kanilang marketing lists.

Hindi ipinahayag ng Twitter kung ilan ang naapektuhan nito.

Ipinabatid din ng kumpanya na hindi nila ibinigay ang mga personal na data sa mga advertisers o sa third parties at sinabing inayos na nila ang problema noon pang September 17. 

Remate News Team|CSEF

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Twitter, aksidenteng nagamit ang phone numbers, email ng mga user