Lantarang tinabla ni Sen. Sherwin Gatchalian ang nilagdaang kasunduan sa Russia…

Manila, Philippines – Lantarang tinabla ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang nilagdaang kasunduan sa Russia hinggil sa pagtatayo ng nuclear power plant sa bansa dahil kapos ang Pilipinas ng mga batas hinggil sa maraming bagay na may kaugnayan nuclear energy.

Sa panayam, sinabi ni Gatchalian na kailangan mag-ingat ang bansa sa paglagda sa mga kasunduan hinggil sa nuclear energy dahil wala pa tayong batas hinggil sa nuclear waster storage at nuclear safety.  

“Ang position ko ay dapat magingat tayo and take extra pre-cautionary measures in entering into nuclear power dahil unang-una kulang tayo sa mga batas na magpo-promote ng nuclear power dito sa bansa. Kailangan ng maraming batas for example nuclear safety, kailangan din ng batas paano i-transport itong mga nuclear waste, saan itatago yung nuclear waste,” ani Gatchalian.

Aniya, kulang ang Pilipinas ng framework o burador sa pamamahala ng nuclear energy bukod sa mataas ang panganib sa pagpapatakbo ng nuclear power plant na kahit mga bansang mataas ang teknolohiya ay nagkakaproblema tulad ng Japan.

“Ang nuclear power din ay mataas ang risk at kailangan siguraduhin natin may kakayahan tayo. If you remember what happened sa Fukushima, nag evacuate sila close to 6,000 tao doon at hanggang ngayon naglilinis pa rin sila, ang tanong may capability ba tayo in an event merong problemang mangyayari,” ayon kay Poe.

Sa kanyang opinion, sinabi ni Gatchalian na dapat magkaroon ng masusing pag-aaral hinggil sa nuclear energy upang makakalap ng mga impormasyon hinggil sa storage at safety.

“Yung technology for power nagiging mas mura, magiging mas advanced, so pwede natin pag-aralan but for now ang importante meron tayong mga safeguards, batas, nag mag-reregulate nitong nuclear power dahil kulang pa rin tayo talaga. It will take a few years to come up with those losses,” paliwanag niya.  

Ernie Reyes

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Nuclear power plant agreement sa Russia, tablado kay Gatchalian