BREAKING NEWS: Pangulong Duterte, may problema sa kanyang Mata?

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit mukhang maliit ang isa niyang mata kumpara sa kabila.

“Actually my — that’s my myasthenia gravis. It’s a nerve malfunction,” saad ni Duterte sa Filipino community sa Russia.

Aniya, maaaring nakuha niya ito mula sa kanyang lolo.

“So, I believe really in genetics. Kung anong sa kanya, nakuha ko eh. Kamukha ako daw ng lolo ko. ‘Yun ang ano ko,” dagdag pa niya.

Sa kanyang talumpa­ti, sinabi ng Pangulo na kung minsan ay hindi niya makontrol ang galaw ng kanyang mata.

Biro pa niya, gusto pa niyang makipag-duet sa Russia singer bago siya bitayin dahil sa kanyang giyera kontra droga.

“Mag-duet lang kami ng ‘Ikaw.’ Pagkatapos magtinign ako sa kanya kagaya kanina pero gusto ko siyang tingnan sa mata. Pero ang mata ko yung isang mata ko, dito sa mata niya. ‘Yung isang mata ko, umiikot kung saan-saan pumupunta,” wika ni Duterte.

“Ganun ako eh. May talent ako, magtingin ako sa’yo, ‘yung isang mata ko bumaba.

Sa tuwing may nararamdamang sakit si Pangulong Duterte, hindi niya ito tinatago sa publiko bagkus ay siya pa mismo ang kusang nagsisiwalat nito.

— Prince Golez

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
Digong inamin ang problema sa kanyang mata