DAPAT BIGYAN PANSIN ITO. May mensahe si CBCP, Bishop Pablo David sa Gobyerno…

Manila, Philippines – Naglabas ng anunsyo ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tumutukoy sa gobyerno na dapat bigyang pansin ang nararanasan pagdating sa mental health issues.

“Kailangan maitaas na yung kamalayan ng ating mga pamayanan, ating mga communities tungkol sa health issue na tinatawag nating mental health,” ayon kay CBCP Vice President and Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Dagdag pa niya, karamihan sa mga nagpapakamatay ay dahil sa depresyon na karaniwan nararanasa ng mga kabataan.

“Tinatawag natin silang biktima [we call them victims], that they are victims of depression, so we don’t say they killed themselves, we say depression killed them…They did not know how to cope with this depression,” aniya.

Hinikayat din ni David ang Department of Health para bigyang aksyon at pansin ang rehabilitasyon.

“Ako nga china-challenge ko ngang pilit ang Department of Health na maging mas involve sila sa drug rehabilitation program because even drug addiction is a mental health issue,” pahayag pa nito

“It’s a mental disease kaya nga substance use disorder ang tawag diyan, minsan parang ang pag-iisip natin tungkol sa drug user parang kapag sinabi mo drug user kaagad negative ang pag-iisip,” dagdag pa niya. 

Remate News Team

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
CBCP sa gobyerno: bigyan pansin ang mental health issues