EXCLUSIVE NEWS: Resulta ng Russia Trip, ipinahayag ni Pangulong Duterte kay OWWA D.A. Mocha Uson…

TAGUMPAY ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

Ito ang maiksing pahayag ng Presidente sa bagong talagang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mocha Uson sa dinaluhang cocktail party sa Moscow kamakalawa nang gabi.

Sinabi ng Pangulo na maganda ang resulta ng mga dinaluhan nitong pulong sa Moscow at sa Sochi.

“I’m glad to tell you that our visit here is quite successful,” ang maiksing pahayag ng Pangulo.

Matatandaang naging mahigpit ang schedule ni Pangulong Duterte dahil sa kabi-kabilang pulong sa grupo ng mga negosyante at bilateral meeting nito kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev.

Magiging huling aktibidad ng Presidente bago bumalik ng Pilipinas ay ang pakikipagkita sa Filipino Community kung saan inaaba­ngan na ito ng mga pilipinong nagtatrabaho sa Russia.

— Aileen Taliping

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Abante
Russia trip tagumpay — Duterte