MULTI-MILLION DOLLAR BUSINESS DEALS. Senator Bong Go, nagbigay pahayag tungkol sa mga nilagdaan ng Pilipinas at Russia…

Manila, Philippines – Ipinahayag ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go noong Sabado na ang opisyal na pagbisita ni Presidente Rodrigo Duterte sa Russia ay naging mabunga, napagtibay ang security relations ng dalawang bansa at nagpirmahan dinng mga business deals.

“Naging maayos naman ang pagbisita ng Pangulo,” ani ng dating special assistant ng pangulo na kasama rin sa opisyal na delegasyon sa Russia na si Go.

Ayon din kay Go, pinuri ng Russian officials kabilang na si President Vladimir Putin ang kampanya ng Duterte administration laban sa terorismo, at nangako rin ang mga ito na susuporta.

“Very much willing na tumulong ang Russia sa kampanya laban sa terorismo,” ani Go.

Sinabi din ng senador na inaasahan niya na ang business deals na nagkakahalagang US$12.6 million na pinirmahan ng Pinas at Russian companies ay makapagbibigay ng trabaho para sa maraming Pilipino.

“Umaasa po kami na maraming business opportunities ang maiuwi ng Pangulo para sa mas maraming trabaho para sa mga Pilipino sa bansa,” 

Nasasaklaw ng mga deal a mula business cooperation, agricultural exports, electric power at importation.

Kabilang din dito ang limang memorandums of understanding na magpapatupad ng kooperasyon sa information exchange at collaboration on business development para mai-promote ang trade at investment sa pagitan ng dalawang bansa, at ang pag-supply ng local tuna sa apat na kumpanya para maihatid sa Russian market.

Kasma din sa nasabing deal ang dalawang memorandums of intent na magsasaliksik ng posibilidad ng kooperasyon sa pagpapatayo ng nuclear power plants sa Pilipinas.

“The signings, which were done during the Philippines-Russia business forum in Moscow, were described as the beginning of stronger business ties between Russia and the Philippines.” ayon sa isang pahayag.

Nakatakdang dumating sa Davao City ang Pangulong Duterte, Linggo ng hapon. 

Remate News Team|CSEF

.

.

.

.

.

FULL STORY HERE
Remate
Russia visit ni PDu30, ‘maayos naman’-Bong Go